BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, November 14, 2010
Mga Hirit Hinggil sa Sapakang Pacman-Tornado
Salamat sa AM station, real time ang panonood ... este, pakikinig namin ng bugbugan. Sorry, wala kaming budget pang-Pay-per-view.
Sobrang daming beses nang naging ring announcer si Michael Buffer sa mga laban ni Pacquiao, matatas na niyang nabigkas ang Pacquiao at Sarangani.
Mas maganda kung kinanta ni Zyrene Parsad ng a note higher ang Lupang Hinirang. Nagmukha tuloy walang dating at walang kabuhay-buhay. (Di ko siya kakilala kaya nag-Google pa ako. Third placer pala siya sa isang patimpalak ng Kapuso, yung Are You The Next Big Star?). Hay, supot ang kinang ng kanyang bituin dahil sa pagkakakanta n'ya pero at least, tahimik ang NHI. Para sa akin, La Diva pa rin ang may pinakamahusay na rendition ng ating Pambansang Awit.
Magaling at maganda ang pagkakakanta ng mga Dallas Cowboys Cheerleaders kahit nakakaabala ang P*ke shorts nila.
Sandali lang ang laban nang pinakinggan namin sa radyo kahit umabot ng 12 rounds pero nang maipalabas sa TV, sus! Pwede ka pang umidlip sa pagitan ng sandamakmak na commercials. Grabe, hindi pa ba sapat na tadtad ng advertisements ang salawal ni Pacman???
Sa pagkakapapak ni Pacman sa Tornado, pinatunayan n'yang isa talaga siyang Mexican Destroyer
Salamat sa pagkapili ko ng heads, nanalo ako sa pustahan. Girlie, sarap ng pizza. Nanalo rin ako sa wakas!
Hanggang sa muling bakbakan at pustahan! Sana Mayweather na para ibang lahi naman ang puksain ng Pambansang Kamao.
Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin