BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, January 23, 2011
Hullabaloo in Kota Kinabalu
ETD MNL 4:00 PM, Diosdado Macapagal International Airport.
Yan ang flight namin ng kapatid kong si Girlie papuntang Kota Kinabalu, Sabah pero muntikan nang sa airport ng Kota kami nagkita dahil pinadala ba naman ng opisina sa Bangkok, Thailand noong Lunes at iminungkahi ng travel agency na Manila-Bangkok-Kota Kinabalu na lang daw ang gawing biyahe para makatipid siya ng oras. Naturalmente hindi ako pumayag dahil nakikini-kinita ko na ang hirap maghanapan sa banyagang paliparan. Bandang huli, Nagpa-book na lang si Girlie ang isang kaopisina ng earliest flight ng Huwebes kaya ayun, pagdating ko ng bahay mula trabaho, naabutan ko pa ang bruha na natutulog, nakahalibas pa ang maleta, abubot at pasalubong mula Bangkok.
12:00 daw ang unang alis ng Philtranco bus sa SM Megamall terminal kaya 10:00 pa lang ng umaga, umalis na kami ni Girlie sa bahay. Hindi na ako natulog bagkus inihanda na lang ang bagahe para sa halos 4 na araw na bakasyon.
Nakaalis na ang unang biyahe pagdating namin ng Megamall bagama't maaga pa kami. 2:00 PM daw ang susunod na biyahe pero nainip na kami ni Girlie kaya tinanggap na lang namin ang alok ng isang taxi driver na makipag-share sa 3 babaeng mag-iina. P500/head, pwede na yun.
Megamall to Clark: Sa tabi ng driver pinaupo si Girlie, ako sa likod kagitgitan ang 3 mag-iina. Chika-chika ng konti, kahit masikip naghihilik na ako matapos ang ilang oras. Wala pa akong tulog, galing ako ng shift, di ba?
Check-in: Bandang 12:30 ng tanghali, nasa Diosdado Macapagal o Clark Airport na kami. Balak naming mag-check in na kaagad gaya ng nakagawian pero nakakaloka, sarado ang airport. Lunch break daw. Pambihira, 4:10 PM ang flight pero mga pasado 1:00 na sila nagbukas. Parang deadma lang na maraming pasahero at maaaring kulangin ang oras.
Aura pa? 4:10 ang flight!!!
Sige, pose pa!
After check-in, bayad naman ng terminal fee
Immigration: Dalawa lang tinanong ng immigration officer: kung sino ang kasama ko at magkano yung air fare namin. Ako ang taong hindi matandain sa numero kaya sinabi ko na lang na hindi ko alam k'se si Girlie ang nagpa-book ng lahat. Sabi ko promo ng Air Asia. End of story.
Boarding Pass na naka-thermal paper? Dito yan sa Clark Airport :D
Waiting Game: Himalang natapos ang kakyemehan ng lahat ng pasahero isang oras bago ang flight. Pabor sa amin ni Girlie dahil maraming oras para gawin ang dapat gawin ...
... trabaho para kay Girlie kahit nasa airport ...
... tulog naman ako. Galing pa ako ng shift, 'di ba?
Pose muna bago sumakay ng airplane
Syempre ako rin!
Fasten seatbelt. 4:30 PM na kami nakaalis ng Clark
One of Girlie's nice aerial shot en route to Kota Kinabalu
Touchdown KK:Smooth na smooth ang flight, maganda ang panahon at ni wala kaming naramdamang turbulence. 6:13 PM, lumapag kami sa paliparan ng Kota Kinabalu. Smooth pa rin pagdating ng airport. Agad nakita ni Girlie ang contact n'yang si Walter na siya rin palang may-ari ng titigilan naming Gaya Lodge. Cutie si Walter pero pilipit na pilipit ang dila sa pag-e-English (Clark lang, hirap na hirap na ... ano raw, Crark?) At least nagkakaintindihan kami.
Gaya Lodge: Sa halagang MYR75 kada araw (3 nights kami), solo namin ang malinis at secured na kuwarto, may cable TV (nawawalan ang cable pag 4 AM!) free coffeeand toast sa umaga at may wifi pa. Mababait din ang staff. Merong isang marunong managalog, taga-Jolo pala.
Eto yung paborito namin ni Girlie. Sabi ni Walter, simpleng breakfast lang daw, toast saka coffee pero ang sarap, huh! ...
... dami pang palaman na pagpipilian!
Our bed ...
... and bathroom! Ooops, caught in the act!
Sobrang pagod namin ni Girlie, hindi na namin nakuhang rumampa ng gabi pero bumaba si Girlie para bumili ng pagkain (bawal magutom ang kapatid kong ito, buti maraming Chinese resto sa paligid). Hindi ko na matandaang kumain ako pero alam ko, kumain ako. Hehe ... Kinarir ko ang tulog para may power sa adventure na susuungin namin sa susunod na araw.
Day 1: White Water Rafting
Na-excite ako nang sabihin ni Girlie na magwa-water rafting kami k'se akala ko, may magsasagwan para sa amin pero nang makita ko sa brochure na Level 3-4 ang rapid at kami mismo ang sasagwan, medyo kinabahan ako. Bahala na.
8:00 AM pa lang, sinundo na kami ng mga guides ng Padas Rapids. Inglesan pa kami nang inglesan nung una, kalagitnaan ng biyahe, nalaman naming marunong palang mag-Tagalog ang mga mokong. Karamihan daw ng Sabahan (tawag sa native ng Sabah), kung hindi marunong mag-Tagalog, nakakaintindi (hindi kataka-taka dahil nasa paanan lang ng Mindanao ang Sabah). Anak ng ... buti na lang hindi namin sila inokray ni Girlie.
Aura sa service van
Bale 5 kami sa Padas trip. Kaming 2 ni Girlie (Pinoy!), ang mala-Adonis na si Viktor from Sweden at ang mag-asawang guro na Denise and Brian mula sa Australia. O di ba, nose bleed?
Mag-squat tayo para mag-wiwi, shall we?
Bahaya daw ... danger! Bahaya kayo sa buhay n'yo!
One of the stopovers, Crocker Range Park Station. Mahaba ang biyahe, 2-3 hours mula Gaya Lodge
Pwede po bang maki-tandas?
Kinabahan ako ng papirmahin kami sa dokumento: Liability release and expressed assumption of risks. Nangkupo, mukhang delikado ang mag-water rafting!
L-R: Viktor (Sweden), Denise (Australia), Brian (Australia), Choleng (Philippines): At the Pangi Power Station awaiting the chug-chug train na magdadala sa amin sa Padas Rapids.Take note, chug-chug, hindi choo-choo kse ganun ang tunog ng lekat na train na ito. Free body massage para sa mga pasahero.
Si Girlie sa piling ng mga Diyosa'ng pasahero. Grabe, mga flawless, nagmukha kaming panghilod!
First glimpse of the rapids mula sa chug-chug train. Gusto ko nang mag-backout!
All set?
Girlie with Denise, Brian and Viktor: refreshed after some watermelon slices
Short hike papunta sa take-off point. Pasagasa na lang kaya ako sa train?
Briefing: Maraming pointers na binigay ang guide bago kami sinalang sa rapids. Tamang posisyon at pagsagwan, tamang puwesto ng paa sa bangka at ano ang gagawin kapag tumaob ang bangka. Doon ako natakot. Tataob? Tinanong ko ang guide kung may tumataob, meron daw pero 'wag mag-alala dahil wala pang nalulunod. Basta pag raw tumaob, lumangoy lang sa kanang bahagi ng ilog. Paktay!!!
Brian testing the water. Tubig-baha lang sa amin yan, Kuya!
Video before the Big Capsize: Medyo mild pa ang rapids sa video na 'to pero yung nangyari sa amin pagdating ng Cobra Point (may iba-ibang pangalan ang rapids), hindi na na-capture ng camera ni Girlie. Dahil 5 lang kami, 3 pa ang babae plus isang guide, hindi namin nakayanan ang power ng alon. Tumaob kami ... mali, umilandang!
Naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumubog sa tubig pero agad lumutang pero pilit na muling inilulubog ng nagngangalit na alon. Nakailang-attempt ako na lumutang pero sa bawa't angat ko, nakakainom lang ako ng tubig.
"Help me!" yun ang naalala kong paulit-ulit na isinisigaw pero sa kada buka ng bibig ko, hala, pasok nang pasok ang tubig. Sa isip-isip ko, D'yos ko, dito pa yata ako mamamatay sa Kota Kinabalu!
Himala nang himala, parang biglang nawala ang alon, nakahinga na ako ng maayos at naramdaman kong may nagbato sa akin ng lubid. Sabi ni Girlie nasalo ko raw yung lubid kaya nahila ako palapit sa rubber boat pero wala akong maalala. Dead weight ako kaya nagtulong pa si Girlie at si Viktor (yung Swedish) na hiwatin ako paakyat ng bangka.
Na-save ng ibang rubber boat ang mag-asawang Denise at Brian pero bumalik din sa bangka namin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakahiga sa bangka pero nang maramdaman kong nagsisimula ng magsisagwan ang kasama ko, nahiya naman ako at nagpilit bumangon kahit nanghihina at nanginginig pa ako sa takot. Sa gitna ako ako pinaupo kse nawala ang sagwan ko. Wala man akong sagwan, at least magagamit ko ang bigat ko para balansehin ang rubber boat.
Padas Rapids at its finest. Low tide pa raw yang sinalangan namin kaya baka Level 2 lang siya. Whaaaat???
Ewan ko ba kay Girlie kung bakit ito ang napiling adventure eh hindi naman kami sporty pero ayon sa ng isang foreigner na nakausap namin, mas masaya nga raw kung magka-capsize ang bangka. Andun ang thrill. Ngek! Thrill-in mo yang muka mo!
Di ko alam kung kasama sa itinerary ang magpahinga pagkadaan (o pagkataob) sa Cobra Point o para lang yun sa mga tumataob pero nag-stop over kami. Tingin ko para sa mga nataob lang k'se wala naman kaming nakasabay. Well, kailangan kong magpahinga dahil nanginginig talaga ako sa takot.
Minutes after the Big Capsize, heto ang hitsura ko. Mukhang nalugi! ...
... chill lang si Denise although umamin ding natakot nang tumaob kami
Inaasar ako ni Girlie. Hindi ko raw ba alam kung sino ang nag-comfort sa akin pagkahango sa akin sa ilog at kung kanino ako nakaunan nung plakda ako sa bangka. Sa hita pala ni Viktor! Hay, pag pala takot na takot ka na, wala ka ng pakialam kahit hunk pa yung umaalalay sa 'yo. Alalang-alala raw ang Viktor, sabi ni Girlie. Wow, bait naman! Sana pala naglunud-lunuran ako para nakatikim ako ng imported na resuscitation. Wahaha!
Good fellow, good heart, good looks ... thanks, Viktor!
Aura pa rin kahit shaken
Akala ko kapag nataob ang bangka, may option ka na huwag na lang magpatuloy but no. The only way out is at the end of the rapids. Ang lagay eh nagpahinga lang pala kami pero nang ipagpatuloy namin ang tour, marami pa kaming dinaanan. Takot na takot ako pero inisip ko na lang na kung tataob kami ulit, at least alam ko na ang pakiramdam at medyo alam na ang gagawin. Awa naman ng Diyos, hindi na kami tumaob ulit. Ayon sa guide, sa Cobra Point talagang maraming tumataob. Hindi na po uulit ... waaah!!!
Ganito yung sagwan na nabitawan ko. Pati sunblock ko nawala!
From the rubber boat to the banca that will take us back to the train station
Beaufort Station: Suwerteng maaga kaming natapos kaya konti na lang ang paghihintay namin sa train. Suwerte ring on time ang train at walang nasiraan dahil may mga pagkakataon daw na nasisiraan kaya hating-gabi na sila nakakauwi! Whew! Buti na lang. Nakailang-wiwi ako sa CR. Sa dami ba naman ng nainom kong tubig-ilog!
Ticket Booth pero wala namang tao
Ang gusgusing choog-choog train. Sige, Denise, salampak lang
Mother Pu in KK?
Saktong 8:45 PM kami naihatid ng mga Padas boys sa Gaya Lodge. What a day! What an adventure! Sa halagang MYR220/head, dumugo na ilong mo dahil EOP all the way sa kasama mong mga foreigners, nakatikim ka ng pagkaing Sabahan (in fairness, masarap siya!), nakainom ng galong-galong tubig-ilog at muntik pang mamatay ... OA lang. Sabi nga ng friend ko'ng si Doc Dex, wala pang taong namatay na naka-life vest pero promise, hindi na ako uulit dahil hindi naman talaga ako sporty.
Dinner: Sa hirap at pagod na pinagdaanan, gusto kong matulog na lang sana pero hindi 'yan puwede kay Girlie kaya kahit tinatamad, sumama na rin akong kumain. Sa baba lang naman ng tinitigilan namin kami napadpad, sa Syarikat Yu Kee.
Nakakatuwa dito sa Sabah. Bagama't sakop ng Malaysia, karamihan ng may-ari ng business establishments ay Intsik -- bangko, restaurant, pawnshop ... basta, puro Chinese ang may-ari. Parang Pinas lang.
Gulay, tofu at beef. Tasty and flavorful ... Yum!
Day 2: City Tour
Maaga kaming gumising ni Girlie para magpapalit ng pera at para na rin maagang makapag-"simple breakfast of toast and coffee." Grabe, nakailang-patong yata ako ng tasty bread pero ang sarap talaga! Kawawa naman yung ibang boarders, inubusan namin ni Girlie. Hehehe.
Kumpara sa water rapids, very safe ang city tour na inabot lang ng kalahating araw pero mas okay na 'to. At least, walang lunod at river juice na involved.
Sa halagang MYR90/head, heto ang mga napasyalan namin. Kuwela, kikay at friendly ang tour guide namin na si Findrilee:
Tun Mustapha Building (Sabah Foundation)
Hindi ko alam kung bakit isa ito sa mga must-see, siguro dahil sa cylindrical building ...
... o sa mag-inang chimp na ito ...
Sabah State Mosque
Bagong-bago ang mosque ... bagong pintura!
Buddhist Temple with a huge statue of Kuan Yin, goddess of Mercy
... have mercy. Mamayat sana kami!
Chocolate shop and factory
Not the actual picture dahil nagkahiyaan kaming magkodakan sa loob. Seryoso k'se yung Tsekwa na nag-assist sa amin at nagpakita ng iba't-ibang klase ng chocolates. Pati na yung sounds sa shop, isang true blue Chingining-ngining chinese song. Nagkamali pa ako ng conversion! 2 packs ng chocolates ang binili ko k'se akala ko P200 lang sa pera natin pero sabi ni Girlie, kung iko-convert sa Philippine peso, mga P2,000 yun. Waaah!!! Bobo sa Math!
Cultural village
Entrance
Findrilee Keddy making aura. Yes, yan ang word na tinuro namin sa kanya. Aura!
Long house. Teka, meron din n'yan sa Pinas.
Sabah Museum
Bawal magpa-picture sa loob ng Sabah Museum kaya sa labas na lang kami nagpakuha ...
... as if kagandahan naman ang mga naka-display sa loob eh meron din tayo noon. Para lang akong nagpunta sa Mindanao!
Ito ang winner, pandan ang air freshener sa CR. Bongga!
Filipino Market
Dito ang last stop ng tour. Akala ko puro Pinoy ang nandito pero meron ding mga natives pero ang nakakatuwa, unlimited ang pagtatagalog dahil paniguradong maiintindihan ka nila. Dito na kami bumili ng ilang pasalubong gaya ng shirts, figurines, ballpens at walang kamatayang keychains.
Pagkahatid sa amin sa Gaya na walking distance lang pala sa Filipino Market, ibinaba lang namin ang mga pinamili at muli kaming lumabas para mananghalian. Sawa na kami sa native at Chinese food na para rin namang mga pagkain sa atin kaya naisipan naming magpa-check ng attendance. Saan pa, di sa keps ... KFC!!!
All smiles si Girlie while ordering
Panalo ang Full Loaded. Look, no rice! Pero meron din naman silang meal na may rice ...
... ayan, nilalapa na ni Girlie
'Yan, panoorin natin ang pigeons habang nagpapababa ng kinain. Sa harap lang yan ng Gaya
Wala na kaming activity pagkakain kaya naglagi na lang kami sa kuwarto at nagpahinga. Sa sobrang kabusugan, sinumpong ako ng heartburn. Ang tindi. Panay ang tingin sa akin ni Girlie, natatakot siguro at baka dito pa ako dumayo ng pagpapaospital pero bandang hapon, umokay na ako. Hay, hindi ko talaga kayang sabayan ang gana sa pagkain ni Girlie. Promise, kung busog na ako, hindi na ako magpapakabusog pa!
Bandang 8:00 ng gabi, naisipan naming mag-Starbucks para makabili na rin ng kinokolektang city mug si Girlie. Nilakad na lang namin ang Centerpoint Mall mula sa tinitigilan namin.
Sale!
Penang na city mug lang ang available sa Starbucks Centerpoint. Yun na lang dapat ang bibilhin ni Girlie pero tinuro ng isang crew ang isa pang branch nila. Ayan, may Sabah na!
Blueberry cheesecake ... yum!!! Teka, sa pagkain ni Girlie ako nakatingin!
Day 3: Sunday Market
Matapos mag-simple breakfast sa kahuli-hulihang pagkakataon (todo na toh!), nag-ikot na kami sa tyangge. Medyo disappointed kami ni Girlie kase sabi sa Filipino Market, sa kanila lang makakabili ng mga pampasalubong kaya namili na kami pero heto at ang dami sa tyangge. Mas magaganda at mas mura pa. Hay, mga Pinoy talaga. Nakuha kami sa sales talk.
View from our window
Carved figurines
Shirts, shirts, shirts
Little Italy fountain. Eto yung marker namin pag naggagala. Pag nakita namin 'to, ibig sabihin malapit na kami sa Gaya Lodge
Daming tao, para lang kaming nasa Greenhills!
Kucing Siam. Siguro Siamese cat
Arnab raw. Rabbit?
Kucing Farsi Ori. Ano raw? Alam ko pusa yan
Matapos halos masaid ang hawak naming ringgit, bumalik na kami sa hostel para mag-empake. Marami-rami ring napamili pa si Girlie. Ako ilang keychains, ref magnet at shirts na lang ang nabili ko dahil naubos na nga ang budget ko sa mga chocolates. Tsk.
Sige, empake!
1:40 PM ang alis namin sa Kota Kinabalu kaya naman bandang 11:00 pa lang, lulan na kami ng taxi papuntang airport. Mahirap nang maiwan ng flight.
Dunkin' Donuts at KK Airport
Mahigit isang oras pa kaming naghintay bago nakapag-check-in ng baggage. Hay, parang Clark lang
Tolak daw. Kakaloka, parang Tagalog lang. Yung open sa kanila, buka.
Brek = Break
Kitkat na naman, Ghe?
Lunch at the airport before leaving KK. Sandwich lang ako, chicken curry kay Girlie. Eeew!
Looks appetizing pero hindi ko talaga keri ang curry!
Pocketbook pa? Sows, Precious Hearts Romance!
Finally, Clark Airport!!! Home sweet home!
Next to Hongkong, nag-enjoy ako ng sobra sa biyaheng ito. Nakaka-trauma ang pagkakataob namin sa rapids but that made our trip more unforgettable.
Heto ang video na aking nilikha sa saliw ng awiting This River is Wild by the Killers upang manatiling sariwa ang aming hullabaloo sa Kuta Kinabalu (parang MMK lang ah. Ang title ng episode ay Sagwan)