<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, June 03, 2011

Assassinated by the assassin
Kinilabutan ako nang pagbangon ko ay may tumalilis na tila-ipis sa kama ko.  Pamilyar na sa akin ang insekto dahil ilang beses ng napapak nito ang isa kong kapatid, pati na rin Mommy ko kaya naman hinabol ko ng sinelas para mapatay pero malas, hindi ko naabutan.  Winisikan ko na lang ng Baygon ang lugar na sa tingin ko ay pinuntahan nya.  Hmp!  Sana mamatay.

Wala naman akong nakitang pantal at wala ring nangati sa katawan ko kaya naisip kong baka napatambay lang ang insekto sa kama ko ... parang yung kadadalaw lang na palaka.

  

Maling akala.  Delayed lang pala ang propagation ng kamandag ng peste kung kaya't bandang madaling-araw, matapos kong mag-"lunch," at saka ako nakaramdam ng pamamanhid ng ulo na maya-maya lamang ay sinundan ng matinding pangangati ng mukha, kamay at likod.  Ilang sandaling kakakalkal at naglabasan na ang mga pantal.  Merong maliliit sa paligid ng mata ko ... sa kamay ... pinakamalaki sa likod ko.  Tsura ng mapa ng Greenland!

Grabe!  Mapupula at makakati ang mga pantal na lalo pang namamaga habang kinakalkal.

Makalipas ang dalawang araw, saktong naiibsan na ang kati at nagsisimula nang mangitim ang mga pantal,  natagpuan ko ang salarin -- matigas na at nakasiksik sa siwang ng kahoy na sahig ng kuwarto ko.  Itatapon ko sana pero naisipan kong kunan ng larawan at i-post sa Facebook

Ilang kaibigan ang nakisimpatiya, nagbigay ng mga kuru-kuro at nagsaliksik.  Isa pala itong assassin bug o triatomine at makikita lang siya sa poor and rural community.

Okay, tanggap ko ang karukhaan namin pero mas nakakaloka ang ilan pang nakasaad: "triatomine infestation especially affects unkempt dwellings."  Ang kuwarto ko unkempt? Eh ito ang pinakamalinis na bahagi ng bahay namin. Yun nga lang, sa ilalim ng kuwarto ko, andun ang bodega ng maliit naming tindahan.

Anyway, mabuti na lang at napatay ko siya at tulad ng isang pamosong mamamatay-tao, hindi ko pinisa at itinapon ang insekto.   Nilagay ko sa basyo'ng bote'ng may alcohol at nilagyan ng label:

Maninipsip ... wag pamarisan.  Hmp!

Binalibag Ni Choleng ng 10:06 AM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com