<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, July 11, 2011

150/100
The culprit

Ugali ko ng mag-nap makapananghalian ng Lunes para may baong “tulog” sa panggabi kong pasok.  Ilang sandali pa lang akong nakakahiga nang naramdaman kong biglang pumintig ng mabilis at malakas ang puso ko na sinundan ng pamimigat ng dibdib.

Minsan na akong nakaramdam ng ganito noong nag-palpitate ako matapos kong aksidenteng nakainom ng gamot sa sipon na may sangkap palang ventolin.  Pinilit kong mag-relax at balewalain ang kakaibang nararamdaman pero hindi mawala.  Bumangon ako at nag-BP sa digital sphygmomanometer (meron kami nito dahil mino-monitor namin ang BP ng Mommy ko).

130/80.

Kaya pala iba ang pakiramdam ko kse ang usual BP ko ay 110/70.  Uminom ako ng tubig at muling bumalik sa kuwarto, pinilit mag-relax pero ayaw talaga.  Makalipas ang 15 minuto, muli akong nag-BP.

145/90.

Nyay!  Tumataas.  Inulit ko … 140/90.  Mataas pa rin.  Muli akong bumalik sa kuwarto pero di talaga maalis-alis ang nararamdamang discomfort.  Makalipas ang 15 minuto, nag-BP na naman ako.

150/100!

Pagkakita sa rehistro, bigla nanlamig at nanginig ang kamay ko.  Nagmadali akong nagbihis (nakapantulog ako kapag nagna-nap) at hindi na nag-abala pang maglagay ng contact lens (tanggal din ang contact lens ko pag nagna-nap).  Hinanap ko ang “expert”  (my Mom) upang sabihin ang nararamdaman.  Inabutan kong nagsi-siesta sa terrace.  Uminom daw ako ng catapres pero nagkuli.  Magpa-check up na lang daw ako sa doctor, malapit lang naman.

Ayun, mukha akong pindangga, suot-suot ang tila-goggles kong salamin, na sumagsag ako kay Dr. Lander na walking distance lang naman ang klinika sa amin.  Nakakaloka, 130/90 ang reading ng old school nyang sphygmo (yung de-mercury) at sabi pa ng doctor, malamang kaya lang tumaas ang dugo ko dahil sa kaba.  Niresetehan ako ng pampakalma … iterax.  Mahina lang daw para makatulog ako dahil hindi nga ako gaanong nakatulog noong weekend.  Eh lagi namang 2 hours max ang tulog ko pag weekend!

Anyway, hindi Iterax ang pinalaklak ng Mommy ko sa akin.  Valium, isa sa mga “collection” nyang droga.   Effective, nakalma nga ako.  Sobrang kalma, hindi na ako nakapasok.  Don’t get me wrong, wala akong plano'ng um-absent pero may ibang plano ang tranquilizer.

Kasalanan ng Valium!

Binalibag Ni Choleng ng 12:27 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com