<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, July 03, 2011

Autobots ... volt-in!!!
"Dad, gusto mo manood ng Transformers sa Imax?" tanong ng bunso kong kapatid.

Sagot ni Dad, parang tinatamad pa: "Cirque du Soleil na lang."

Hmp!  Ambisyoso!

Anyway, pinanood ko ang ikatlong installment ng Transformers pero hindi sa 3D dahil nakisabit ako sa mag-asawang Hajii at kapatid kong si Ellen kasama ang dalawa kong pamangki'ng si Jenny at MJ.  Okay lang naman na sa regular moviehouse dahil marami kami tapos sayang lang ang bayad kung nagkataon dahil tinulugan lang ni Jenny.

Maraming nagsasabi na hindi raw maganda, na parang paulit-ulit lang, na hinihintay nilang mag-volt in ang mga Autobots pero sa ganang akin, nagandahan ako.  Ang cool ng plot, talagang i-link ba sa Apollo 11?  Winner ang effects at nakakanganga ang mga fight at chase scenes.

Walang kakupas-kupas ang kakulitan ni Sam at ng pamilya n'ya, ang special bond nila ni "Bee" na parang short cut lang ng 'baby," pero nakakalungkot na wala na si Mikaela at napalitan ng isang Cameron Diaz-look alike.  She's hot pero kay Mikaela pa rin ako.

Nakakatatlong Transformers na, may ikaapat pa kaya?  Ay dapat mag-volt in na para maligayahan ang mga detractors.  Hahaha!

Jenny after the 3:50 Screening, Megamall

Binalibag Ni Choleng ng 9:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com