<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, June 19, 2011

Sama-sama sa Wensha
Father's Day na, 150th birthday pa ni Rizal!  May koneksyon?  Meron!  Pareho silang Ama, pero panigurado ako'ng mas bongga ang Daddy ko dahil for sure, hindi nai-treat si Rizal ng anak nya sa Wensha katulad ng ginawa namin.  Teka, may naging anak ba si Rizal at may spa na ba noon?

Medyo expensive ang mga package pero minsan-minsan lang namang mag-bonding ang pamilya sa spa kaya pwede na.  Yung common lang ang kinuha ng majority -- spa and massage na may kasamang eat-all-you-can, kiddie spa sa kasama naming dalawang kuting at syempre, the works ang kay Father -- spa, massage, manicure, pedicure, foot spa ... talagang super pampered si ama, o di ba?

First stop:  Sauna/Jacuzzi

Puwera kay Girlie at Francis (BF ng kapatid ko), first time naming lahat sa Wensha.   Naaliw daw ba ako sa binigay na bracelet sa bawa't isa sa amin na nagsisilbing package indicator at sensor-type na mechanism para sa locker.

Magkahiwalay ang sauna/jacuzzi area ng babae at lalake at dapat lang dahil bawal magsuot ng kahit na ano'ng saplot sa loob.  At dahil first time nga, hiyang-hiya kami ng kapatid kong si Ellen pati na Mom ko na mag-nude pero no choice.  Kailangang i-expose ang mga bilbil at kalamnan.  Buti na lang sanay ako'ng mamasyal sa kuwarto ko ng naka-undies lang pero nakakahiya talaga pag full nudity.  Eeewww.  Kaumay!

Mga 20 minutes lang yata ako'ng nag-jacuzzi dahil sa sobrang init.  Grabe, feeling ko naluto ang mani ko!  Sinubukan ko naman ang sauna.  Sumungaw lang ako sa steam, umatras na ako dahil feeling ko malulusaw ang contact lens ko.  Mga 10 minutes lang ako sa dry sauna dahil nahirapan akong huminga.  Parang nasa loob ako ng oven!

Second Stop:  Common Area

Walang may dala ng cellphone sa amin pero parang nag-usap na nagkakita-kita kami sa common o dining area.  Nakakagutom siguro talaga ang "mailaga."

Okay naman ang pagkain.  Daming choices, may shabu-shabu at ice cream rin pero dahil nagda-diet ako (oo, matagal na!), konti lang ang kinuha kong food.  Masarap din naman kaso may galit yata sa spices ang chef dito.  Ang anghang ng ginisang gulay pati na rin ng pancit!  Sobrang enjoy naman ang Mom ko pati na rin ang bayaw kong si Hajii sa shabu-shabu.  Luto galore sila!

Final Stop:  Massage/Pedicure/Manicure

Matapos mag-dinner sa common area, hiwa-hiwalay kami ulit.  Ang Mom, Dad, Girlie pati na si Hajii sa  manicure/foot spa area (huwag kayong maingay, naghahalinhinan sila ng bracelet para makonsumo ang mga package)  doon naman kami ni Ellen sa body massage.  'Yung dalawang bata?  Tumambay sa manicure area k'se kada customer, may TV dun, cable pa.

Dati na akong nagpapamasahe pero first time kong makaranas na parang nagkalasog-lasog ang mga buto ko.  Lamas-lamasin ba ng todo ang katawan ko at tapak-tapakan daw ba!  Tinanong ko yung nagmamasahe kung ano'ng masahe ang ginagawa nya, Swedish daw.  Nakupow! Sinubok ko lang kaya pinayagan ko ang masseuse na gawin ang lahat ng gagawin pero promise, hindi na ako uulit.  Hanggang reflexology na lang ako.

Mga bandang 6:00 nang dumating kami sa Wensha, mga 10:00 ng gabi, umalis na kami.  Hay sarap ng tulog ko sa common area.  Hahaha!!!

Hay, natapos na naman ang isang family bonding, ano kayang naiiba ang susunod?  Hmmm ...

Heto ang mga larawan:

Photobucket
Jenny on our way to Wensha.  Pwede ng mowdel, uma-aura kahit hindi turuan

Photobucket
The works na package for Dad k'se it's his day.  Inaasar nga namin ang Mommy k'se kinabog ang Mother's Day celebration n'ya.

Photobucket
Titig na titig si Mudra sa mga package.  Napakamahal daw!  Inarte, lahat ng package inayawan.  Nauwi sa body at foot spa.

Photobucket
Eat all you can matapos mag-sauna.  Kakagutom! 

Photobucket
Diet ako kaya ito lang ang kinuha ko.  Grabe ang pancit canton, sobrang anghang!

Photobucket
Mom and Dad enjoying the bonding moments
Photobucket
The Cabusoras

Photobucket
Ang magdyowa, Girlie and tago-tago Francis

Photobucket
Cute ng uniform ... hehe

Photobucket
Pose pa!  

Photobucket
Sige, samantalahin ang all-you-can.  Di rin naman ako masyadong nakakain k'se di kasarapan ang luto.  Ewan ko ba, galit yata sa spices g ang chef dito.  Pati ginisang gulay ang anghaaang!!!

Photobucket
Dito nag-enjoy ng sobra si Mother, sa shabu shabu.  Puwede nya kseng kainin eh, walang mantika at puro gulay

Photobucket
Chef Hajii preparing another round of shabu shabu.  Ang sarap pala ha!

Photobucket
Like!  Like! Like!

Photobucket
Huy, anong pinagdidiskusyunan nyo?  Kung kanino susunod makikipagpalit ng bracelet?  Hahaha!
Photobucket
My favorite part!

Binalibag Ni Choleng ng 1:38 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com