<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, March 25, 2005

Sa Letrang B…Biyernes Santo!
After so many decades eh na-rest day din ako ng Maundy Thursday and Good Friday kaya for the first time kumpleto ang Familia Lizertiguez and what better way of spending these sacred days than playing BINGO. (Ulangya!!!)

Image hosted by Photobucket.com Hala, habang Semana Santa fever ang buong nasyon,
(yung kapit-bahay namin sa kanan nanonood ng Passion of the Christ, sa kaliwang kapit-bahay naman panay ang patugtog ng Jesus Christ Superstar Rock Opera) ang aking madir, padir mga kapatid at bayaw, pati mga pamangkin ko ay busy sa pagpupuno ng bingo game cards nila.


“Sa letrang B…unat!” Ano daw? Sa letrang I…sweet!” HUH? “Sa letrang O…matanda!” Ano ulit yun? “Sa letrang O ulit… baligtaran…” Eng? Sigaw naman ng bunso kong kapatid, “I’M PURE!” What the hell does she mean?

Susme, kung anu-ano’ng jargon ang maririnig mo. Mas nakakaaliw pag may BUMINGO. Namputsa, kung makasigaw ang mga ungas akala mo nanalo ng isang milyon eh 25 cents per card lang naman ang taya!

Alam ko pasaway ang family ko pero it’s so nice to see all of them in a huddle, having fun… the family that PLAYS together, STAYS together wika nga. Sana lang hindi Holy Week noh! Of course, di ako kasali sa game k’se ayoko ng sugal, di ba? Mega-watch lang ako sa kanila habang karga-karga ko ang 7 month old niece ko. At least, kung magtampo man si Papa Jesus absuwelto ako.


Binalibag Ni Choleng ng 8:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com