BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 12, 2005
Aparri, Tuguegarao, Camiguin atbp…Bow!
Grabe! Di ko akalain na makakarating ako sa pinatuktok ng ‘Pinas. Imagine, nakarating ako sa Aparri at di lang sa Aparri kundi sa isla na limang oras ang layo sa mainland at isang dura lang ang lapit sa Batanes.
Outreach kse ng choir kong Metanoia sa Camiguin. Ang dali lang naman palang puntahan ng islang ito. From Manila, sakay ka ng bus papuntang Aparri. Matapos ang ilang panaginip (12 hours po ang byahe) eh Aparri na. Sakay ka naman ng bangka papuntang Camiguin. Mga limang oras naman yung byahe. Mahirap puntahan pero pag nandun ka na sulit ang pagod mo kse ang ganda ng lugar, very hospitable ang mga tao tapos special ang pag-asikaso ni Father Aucks sa amin.
Dominican Missionary House yung tinigilan namin. Thursday night, kumanta na kme sa misa para magparamdam. Nang makita ko kung gano kakonti ang nagsisimba, naunawaan ko na kung bakit kame inimbitahan ni Father. Gusto nyang engganyuhing magsimba ang mga tao through music. Isip-isip ko, hanep, para eksena sa Sister Act.
So for the next two nights, kumanta kami sa misa ni Father. Nakita ko yung paghanga at amazement nila sa amin. Patok din ang concert namin. Yung iba, naglakad pa ng mga isang oras makapunta lang sa simbahan ng Balatubat (yun ang name ng lugar na tinigilan namin) para mapanood kame. Nakakataba rin ng puso!
Kulang ang 3 araw na pagtigil namin dun kaya kahit na pagod na pagod na kme, siniksik namin ang mga activities. Imagine, sa isang araw, nagawa naming mag-beach tapos manginain ng buko sa hapon. (Namputsa, na-shoot pa ang paa ko sa palayan! Eeew!) Ang ganda ng beach! Super linaw ng tubig, super linis pa. Imagine, kami lang ang nandun! Kung ide-develop siguro, walang panama ang Boracay!
Nung sumunod na araw naman, nagpunta kami sa Tapao falls na di namin akalain eh ang hirap palang puntahan. Sabi kse ni Father, mga 2 hours lang daw lalakarin. Di naman sinabi na masukal ang dadaaan kaya kaming mga engot, nag-trek ng naka-bathing suit! Anyway, lahat ng sakit ng balakang ko (ilang beses akong bumalabag sa batuhan) at gasgas ay nawala nang makita namin ang falls. Ang ganda! Virgin na virgin!
May na-meet rin kaming mga WWF guys na pinag-aaralan ang mga balyena na tatambay-tambay sa coast ng Camiguin. Inimbitahan nga kame na sumama sa whale-hunting nila kaso yung iba kong ka-choir, kelangan ng bumalik ng Manila by Monday so sabi ko kay Rolly (one of the WWF boys), manonood na lang ako sa National Geographic. Kung nakamamatay siguro ang tingin, pinatay na ako ng irap ni Rolly.
As a whole, success ang outreach namin. Parang gusto ko ngang maiyak nang nagpapaalaman na. Naiiyak ako kse naiisip ko ang 5 oras na bubunuin namin sa laot tapos 12 hours sa bus. Biro lang. Seriously, medyo sad din kami ng nagba-bye na kami sa kanila. Kelangan bumalik kame next year para makita ang balyena. May kuryente na raw at Smart cell site next year. Harinawa!
Medyo malakas ang alon sa Babuyan Channel pero buhay naman kaming nakarating sa Aparri. Tumuloy muna kami sa Lyceum of Aparri para mag-retouch at kumain. Feeling celebrity kame sa pag-aasikasong ginawa ng mga taga-Lyceum sa amin. Sila na rin ang nagpa-reserve ng ticket namin kaya ang ginawa lang namin eh tumanghod sa gate ng Lyceum at hinintay ang pagdaan ng Florida bus.
This is one adventure na di ko makakalimutan. Ang dami kong natutunan sa Camiguin adventure na ito. Isa-isahin nga natin:
1. Dalawa pala ang Camiguin, meron sa North, meron din sa South.
2. Ang capital pala ng Cagayan eh Tuguegarao.
3. Pwede ka palang mag-alis at magkabit ng contact lens kahit umaandar ang bus.
4. Contact lens pa ule. Pwede ka palang magkabit nito sa tabing-dagat.
5. Pag pala ihing-ihi ka na, kahit saan iihi ka. Naranasan kong umihi sa CR na walang toilet bowl (sa Tuguegarao yun!)
6. Mas mahal ang taho sa Tuguegarao (akala ko ba probinsya toh?)…di pa masarap! Dun pa rin ako sa magtataho ng Ayala. P10 lang, solb na solb ka na.
7. May amnesia ang mga tricycle drivers ng Aparri dahil di nila alam kung magkano ang pamasahe mula bayan papuntang pritil (sakayan ng bangka) at di rin nila alam kung magkano ang pamasahe mula pritil hanggang Lyceum of Aparri. “Kayo na lang ang bahala…” yun ang sagot nila pag tinanong mo kung magkano. Ano kami turista? Mga ungas!
8. Pag pala limang oras kang nagbangka, sunog na ang balat mo, ang sakit pa ng wetpu mo!
9. May lugar pa pala sa Pilipinas na walang kuryente at ng cell site.
10. May lugar pala sa Pilipinas na walang jeep at tricycle.
11. Naka-Dream Satellite ang mga nakaririwasa sa isla. P750 daw ang monthly fee, 35 channels, kasama rin ang local channels. Ay, mas mahal sa DirecTV!
12. Maraming bagay na hindi natin binibigyan ng pansin ang napakahalaga sa iba.
13. Pwede ka palang maligo ng bukas ang pinto ng CR…wala namang kuryente eh, ano bah!
14. Pag madilim ang paligid (kse nga walang kuryente!) ang sarap mag-star gazing.
15. Ang sarap ng buko pag bagong lagabog mula sa puno at libre.
16. Pag magte-trekking ka, ‘wag mag-bathing suit.
17. Lagi kang lilingon kase baka may maiwan kang kasama.
18. Lahat pala ng umaalis at dumadating sa isla eh kailangang mag-report sa Coast Guard. Pinalista pa ang mga pangalan namin. Natakot tuloy ako…eh kung lumubog pala kami sa Babuyan Channel eh di na-announce pangalan namin sa TV Patrol Woooorld!!!
19. Ang sign na nasa city ka na eh may Jollibee.
20. There’s no place like home!
Binalibag Ni Choleng ng 12:28 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin