BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 05, 2005
I never work and I never will
Email signature ko ‘to…but it’s not what you think it is! I’m not lazy (meron ba namang Choleng na tamad???) at sorry, RJ, hindi “lagi akong nasa ilalim” ang ibig sabihin nyan!
Nakuha ko ang phrase na ‘to from a short story way back in Grade 5. Nakalimutan ko na ang title ng story pero isang masipag na carpenter ang bida dito. Sobrang masipag siya kaya ang daming nagtataka kung bakit ang nakapaskil sa door nya, “I never work and I never will.”
Nang tanungin ng mga bata ang carpenter, ganito ang paliwanag niya na naging pananaw ko na rin as far as work is concerned. Kung sobra kang enjoy sa work mo, di mo sya iko-consider na work. Para ka lang naglalaro.
Ganyan ang feeling sa job ko ngayon. Sa sobrang pagka-enjoy ko, di ko na nararamdaman na nagwo-work pala ako!
Of course, wala namang perfect na job pero nasasayo na yun kung pano mo dadalhin ang lahat. Oo, hassle pag maraming restrictions pero subukan mong tumingin sa paligid, masasabi mo na mas maganda pa ang kalagayan natin. Walang kokontra!
Binalibag Ni Choleng ng 5:00 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin