<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, May 07, 2005

May 7, 2002
3 years ago, I made the biggest mistake of my life. I married an asshole.

Awa ng Diyos, unti-unti na akong nakakabawi sa malabangungot kong karanasan. My marriage may be a wreck but it made me a better person. Nagkaroon pa ako ng chance na makasama ang isang tanging ina, si Pastora aka Nanay Tora, my mother-in-law.

Birthday nga pala ng Nanay ngayon. Kung ano’ng malas ko sa asawa, swerte ko naman sa kanya. Sobrang masipag, mabait at maasikaso. Kahit nga Mommy ko di pa nagawa yung ginawa nya sa akin. Ipinaghahain ako pagdating from work, ipinagpapainit ng tubig pampaligo, hinahatiran pa ako ng meryenda sa room and to think na 70 something na sya. Kung pinagsisisihan ko man na naging asawa ko ang anak nya, hindi ang naging byenan ko sya. Sayang nga lang maaga siyang namayapa. (She died last year, breast CA)

Nakakabilib ang Nanay. Sa edad na 40+, nabalo na sya (namatay ang Tatay Bibiano sa isang vehicular accident) at mag-isa nyang binalikat ang pagpapalaki sa 6 na anak. Nagsaka sya, nagtinda, naglabandera, pinasok ang lahat ng mapagkakakitaan mapalaki lang ng marangal ang mga anak nya. Sobrang sipag nya kaya nakakalungkot isipin na di nakita ng ilang anak nya ang mga pagpapakasakit n'ya bagkus sinuklian pa ng kabulastugan.

May Nanay rest in peace. Nasa mali mang landas ang ilang anak nya, Nanay has done her part and she did it well. Malalaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila.

Binalibag Ni Choleng ng 7:29 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com