BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, December 06, 2005
Tayo na sa Greenhills
11.23.05
Ilang taon din ako'ng nagtrabaho sa Cubao pero ni minsan, hindi ko tinangkang silipin ang mannequin show ng COD. Hindi ko kse feel yung tumanghod, tumingala at magka-stiff neck sa panonood ng palabas. Feeling ko sayang lang ang oras ko at ang lahat ay isang malaking ka-cheap-an!
A year ago, isang tradition ang sinimulan ang family ko. Aksidente lang. Pagkatapos ng birthday dinner ko, since maaga pa naman, napagkasunduang pumunta ng Greenhills dahil bukambibig nga ang mannequin show doon. Ito rin daw yung mga manikin na galing sa COD.
Una kong mapanood ang show, na-realize ko na ang dami ko palang sinayang na panahon. Ang dami ko palang na-miss. Maganda at nakaaliw naman ang show at nasaan naman ang ka-cheap-an? WALA!!! Maarte lang ako!
Last year, native ang theme. Tagalog ang medium, Gary V pa ang narrator. Story ng isang balik-bayang lubhang naaliw sa paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. (Ewan ko lang kung bakit may palo-sebo. Alam ko pang-fiesta lang ito) Sa taong ito, English na ang medium, story ng isang batang naligaw sa circus na sarado na for 50 years pero himalang nagkaroon ng buhay at isa-isang nag-"show" ang mga taga-circus.
Tingin ko, mas kuwela ang show last year, mas maganda at higit na nakakatuwa. Hanggang makauwi, hindi ko maisip kung ano ang gustong palabasin ng scriptwriter at sapilitang pinag-connect ang circus sa Christmas. Parang pilit na pilit ang pagkaka-segue. Masabi lang na may koneksiyon ang Pasko sa circus at tama ba namang ang church ay nasa ibabaw ng tolda ng belly dancer? (Bwa ha ha!)
Punta na lang kayo sa Greenhills para malaman nyo ang sinasabi ko. Habang nandun, puwede ring mag-shopping at makihalubilo sa mga nag-aalok ng "DVD... DVD..."
Binalibag Ni Choleng ng 2:36 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin