BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, September 27, 2006
Ang Bruha sa Window 2
09.27.06
Sabi sa card, "proceed to Lower Bicutan Post Office" para i-claim ang hindi naman sinabi kung ano. Naisip ko, baka yung letseng authenticated marriage contract na ni-request ko sa e-Census na hindi ko na alam kung saang lupalop napunta.
Pagdating ko sa Taguig Central Post Office, laking tuwa ko na ang ike-claim pala ay kaperahan -- tseke mula sa New York ... pinagbentahan ng share of stock ko sa kumpanya.
Pero hindi tungkol sa tseke ang kuwento ko kundi sa kawani ng Philpost na nag-asikaso ... este, dumedma sa akin. Sayang at hindi ko nakuha ang pangalan nya pero siya yung bruha sa Window 2 ng post office - foreign registered mails. Akalain nyong ilang minuto na ako sa harap n'ya pero sige pa rin siya sa pag-aayos ng mga sobre at hinarap lang ako nang matapos n'ya ang pagsasalansan.
Pinaghintay na nga ako, supladita mode pa ang loka. Inabot sa akin ang claim card sabay sabi, "Pirma..." Pinirmahan ko naman tapos binalik ko sa kanya. May kinuha ang bruha tapos muli akong hinarap. "ID," ang walang kagana-gana n'yang sabi sabay tuktok pa ng ballpen sa counter.
Binigay ko naman tapos inabot naman sa akin ang gula-gulanit na log book at pautos na sinabi, "Pirma..." Pinirmahan ko naman at ibinalik sa kanya ang log book. Inabot sa akin ng loka ang sobre na nang makilala kong mula sa Smith Barney, naaliw ako at nakalimutang hawak ko pa pala ang ballpen nya.
"Ballpen ..." singhal n'ya sa akin sabay tuktok na naman sa counter ng isa pa nyang ballpen.
Sinoli ko naman sabay sabi ng pa-sweet na "sorry." Sa isip-isip ko, hindi ko pag-iinteresan ang Panda pen mo. Sungit!
Hmp! Kung gaano ka-"bulok" ang gusali ng post office, sing-bulok ng serbisyo ng bruha'ng to.
Hoy, wala kang tseke from New York, kaya 'wag kang magmaganda!
Binalibag Ni Choleng ng 9:35 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin