BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, February 06, 2007
Ayan na naman sila, oh!
02.03.07
Last week ng December 2005 nang una'ng mapadpad ang Lovester '05 sa Dampa Macapagal.
Hindi ko malilimutan ang araw na yun. Last day ng Pyrolympics, sobrang traffic kaya nakatulog na ako nun sa bus at laking gulat ko nang isa-isa silang magbabaan -- una ang mag-asawang Julius at Grace, si Bobby at ang nobya pa nya dati na ngayon ay asawa nang si Yani, si Love, JM, Aileen, Doc at DJ Drake. Susuray-suray ko tulay na nilakad ang kahabaan ng Buendia, sa pag-aalala naman ni Etchos. Maryosep! Nilakad namin mula Filmore hanggang Macapagal! Palis naman ang pagod at topak nang makakain at mapagmasdan ang patalbugan ng mga fireworks.
Ganito kami noon ...
Ganito kami ngayon ... Fidel, sarap ng liempo no?
Mula nun, naging official "Team Building venue" ang Dampa Macapagal, specifically Kainan sa Balanghay. Although maraming stalls dito, naging paborito namin ang Balanghay dahil unang-una, dating taga-PS ang anak ng may-ari nito ang pinakamaganda, makakangawa ka ng hindi mag-aalalang may babato sa yo dahil kulong ang karaoke machine.
Ilang buwan din kaming hindi nagtipon-tipon (may isang taon na yata), at sa pangungulit ni Love, suwerteng nasamsam ang tropa (well, hindi lahat) na nagpasimuno ng lahat.
Naku, walang kakupas-kupas sina Love at JM na naging life of the party. Total performer ang Alenea dahil bukod sa kanta, may giling pa. Aliw na aliw tuloy ang kabilang table na dapat sana ay siningil namin dahil halatang nag-enjoy sila. JM, sumakit ang tiyan ko sa boom-tarat a la lola mo.
Muli'ng nagsanib ang tinig namin ni Love sa Alone (salamat sa Amoxicilin, nakangawa na ako!) at kinanta naman nina JM at ang Anna ang respective national anthems nilang If I Could at Kokomo. More on lafangan ang nangyari at di gaanong nagngawaan dahil may kahati sa karaoke (yun ngang nasa kabilang table na di na nakaporma nang kumanta na kami ... subukan lang nila!) tapos may shift pa yung iba kinabukasan kaya 7:30 PM pa lang, pack up na.
Pauwi, nakisakay kami nina Doc, JM, Kathy and Clio kay Ivy. Malas namang nahuli pa ng parak palabas ng Macapagal. Swerving daw. Salamat sa matamis na tinig ni Ivy at kay SPO4 O, winarningan at sinermunan lang siya ng police officer. Ibang klase ang charm mo, Ivy!
Salamat sa lahat ng dumalo.
Park, buti at bumaba ka mula sa Olympus upang makihalubilo sa mga mortal ... hehehe ... Pataba ka.
Kathy, buti't nakahabol ka. Walang ganyan sa Groops noh?
Toots, naiyak ka ba dahil di lang crispy kangkong ang nakain mo ngayon? (By the way, panalo ang ensaladang mangga mo ... basang-basa ... naglulusak!)
Kaye, sana naaliw ka kahit papaano.
Tata, sana hindi naeskandalo si Amy sa kaewanan namin. Musta naman ang BP natin?
Doc, sino na'ng mamamalengke at mag-e-SGV ng patak-patak kung wala ka?
Clio, salamat sa pagbitbit ng mga tira-tira. Free lunch tuloy kinabukasan.
Ivy, sobrang thank you sa lift. Di naman ako ka-virgin-an pero pilit mo akong ibinaba dun sa safe ako. More porkchops to come!
Love, ayoko nang mag-organize. Ubusan ng load (hehehe) and lastly, dun sa mga umoo na hindi naman dumating ... isang malutong na HMP!
Ubos na! Hanggang sa muli!
Binalibag Ni Choleng ng 2:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin