<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, July 20, 2007

Konyatan ba ako?!?
Napapalalim na ang tulog ko nang may tila trosong tumama sa kanang bahagi ng ulo ko, bandang tenga. Gulilat akong nagmulat ng mata. Isang babae ang tumambad sa nag-e-estrelya kong paningin, gulilat din.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket"Sorry, sorry ..." sabi nya at bago ako nakahuma, mabilis na siyang nagpunta sa bandang likuran ng bus.

"Ano ba yan!"
galit na nausal ko pero alam ko wala naman siyang kasalanan. Kasasakay pa lang ng bruha sa bus, naghahanap ng mauupuan eh biglang nag-break. Hayun, ulo ko ang nalagapakan.

Miss naman. Hindi naman kalakihan ang ulo ko, 'di naman nakahambalang at ang dami namang ibang ulong puwedeng mahawakan pero bakit ulo ko pa??? Mukha ba akong "handle"?

Langya, magbiro na sa lasing, wag lang sa taong nagnanakaw ng tulog sa bus.

Letse, di bale sana kung biniro ako kaso kinonyatan ako eh!

Sakit hah!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com