<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, September 24, 2008

Salamat, Doc
Tagal ko nang gustong makita si Doc at tiyempo namang alas dos ang labas ko at napaunlakan nya ang pina-schedule kong prophylaxis. Suwerteng libre rin si Clio kaya nagkaroon kami ng instant reunion.

Kung sadyang mabilis ang biyahe mula Ayala hanggang San Pedro o nalibang lang ako sa kuwentuhan namin ni Clio eh hindi ko na napansin. Basta bago mag-4:00, natanaw na namin ang mahiwagang manok ni San Pedro at sa tulong ng detalyadong direksiyon ni Doc via cellphone eh nakarating kami sa klinika niya.

Wala pa si Doc at magsa-shower daw kaya nag-uzi muna kami sa klinika n'ya and guess what we found? Si Doc, sariwang-sariwa ... larawan ng kawalang-malay!

Photobucket

Mga kinse minutos pa lang kaming nag-uusyoso, dumating na si Doc in all his fragrant glory. Business with pleasure, chikahan muna bago linisan. Siyempre, lots of catching up to do, kuwentuhan at tambay muna kami sa tapat ng clinic. Saglit na nahinto nang dumating ang pasyenteng nagpakabit ng pustiso, itinuloy ang pagtalakay ng maiinit na issue sa Chowking. (namputsa, doctor pa ang nanlibre sa patient!)

Photobucket

Parang nasa harap lang ng club, ah!

Photobucket

Mamasang???

Pagkameryenda, balik kami sa klinika at sinimulan na ang procedure. First time kong ma-encounter si Doc, iba pala kapag friend mo mo ang dentist. Fine, magaling at metikuloso pero may simpleng banat. Hiritan ba naman ako ng "for a 4o year old, maayos ang ngipin mo ..." at may pahabol pang "nagtu-toothbrush ka pala!" In fairness, dami nang dentista'ng kumalkal ng bibig ko pero sa kanya lang ako nakaramdam ng tunay na linis (mag-testimonial ba!) Hanggang ngayon nga habang sinusulat ko 'to, tumitibok-tibok pa nga ang gums ko. Tsura ng niraspa!!!

Photobucket

Doc in action

Doc, salamat sa meryenda at sa hindi pag-max out ng card ... hehehe. Asahan mo, babalik ako in 6 mos para muling magparaspa ng gums. Kaka-addict eh. (Hope naibigan mo ang munting birthday gift ko sa yo. Nawa'y magdala ng suwerte, hindi takot ... hehe)

Clio, sana makasama ka ulit. Masarap namang humilata sa sofa ng klinika di ba?

Photobucket

At home!

Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com