<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, October 05, 2008

Heto ako, basang-basa sa ulan ...
Karaniwang nagagantimpalaan at nabibigyan ng pabuya ang empleyadong maganda ang performance sa trabaho pero taliwas ang nangyari sa akin. Matapos ang isang taon at anim na buwang todo-todong paninilbihan, balik ako kung saan nagsimula.

Kasalanan ko rin. Hinayaan kong lumawig ang paninilbihan, inakalang meron pang maaasahan at lalo pang pinag-ibayo ang pagkamasigasig. Kung sinunod ko lang ang tunay kong nararamdaman na bumitiw na habang maaga pa at hindi nagpadala sa sulsol ng mga kaibigan, disinsana'y wala akong nararamdamang ganito.

Basang-basa sa ulan ... walang masisilungan ... basahan ...

Hindi naman sa tinatalikuran ko ang katotohanan. Mulat ako sa tunay na nangyayari at alam ko ang aking katayuan at antas. Ang tanging hinahanap ko lang ay ang makaramdam ng malasakit mula sa mga nasa itaas, na meron silang pagtatangka at ginawa para kahit sinipa man eh carry over pa rin ang function ko sa lilipatan ko. Buti pa yung hindi ko ka-tribu, may pagtatangka pero walang nga lang nangyari dahil pakiramdam ko, tinanggihan rin ng mga nasa taas.

Hindi birong adjustment at pagbabago ang susuungin ko. Maraming magtatanong at magtataka, mahirap at mabigat sa dibdib pero kasalanan ko. I didn't play my cards well. Heto ako ngayon, basang-basa sa ulan.

Ayos, Aegis ah.

Hindi bale, bukas luluhod ang mga tala.

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com