<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, October 02, 2008

In Memoriam

gerrysPDG
Batch 2

Mga bagay na hindi ko makakalimutan sa DR:

1. Ang kulitan ng Batch 107 via send-to-all mails na tadtad ng smiley. Kaya nga tinanggal ang smileys sa outlook gawa namin.

2. Ang pagngiti ng nguso ng shoes ko during NHO. Walang nahagilap na pandikit kaya rubber band mula sa training kit ni Allyn ang pinangtali sa sapatos ko.

3. Ang panindang kawali, kaldero, kaserola, ovulation tester, DVD ni Sly, sunglasses, Cortislim at kung anu-ano pa.

4. Ang pagrepeke ng kalembang sa tuwing may benta, ang pagbaha ng Sodexho GC's, bunutan at "pat on the back." Highest paid bum, yun ang tawag sa amin.

5. Ang unang DTV call ko na muntik nang napaanak si Shey sa sobrang tension at ang unang benta ko ng Permint sa tulong ni Bagets aka Francis.

6. Ang screenshot ni Jollibee humping Hetty sa QA evaluation ko, ang mga illegal breaks namin ni Park at ang Friendster account ko na sa training room ko pa nilikha (sorry, Eric, I wasn't paying attention)

7. Sina Bob Green, Todd, Dave, Markk, Ronnie and Marisela, si Dorothy, ang negrang boses negro at ang bantog na obscene caller na si Bob BJ.

8. Ang tampuhan nina Fidel at Pampig, ang mga makalaglag-pangang kuwento ni T'yang Mario at ang mga pakikibaka ninaTita Mikey at Mandy.

9. Ang pagpapalipat-lipat mula JG Summit, Philam, Export Bank, PSC at Jaka.

10. Ang hindi mamatay-matay na tsismis na madi-dissolve ang DR (hayan, nagkatotoo na!)

11. Ang walang humpay na kuwentuhan tungkol sa personal na buhay. Buhay mo, alam ng lahat.

12. DR Get-together parties, pig-out sa Dampa, bowling sa Puyat at karaoke sessions ng Lovesters.

13. Chikahan sa Bo's coffee with Alma and JM.

14. Rampa sa Tagaytay at Puerto Galera ng Friday Club.

15. Ang east-of-the-web tournaments after lunch at ang walang kamatayang Text Twist.

16. Ang pagiging Supervisor OIC ko na tumagal ng isang taon at anim na buwan

17. Ang kontrobersiyal na wrap code fiasco, pitik at ACW, PIP, TeamStep at PMP.

18. Ang anonymous letters na magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa alam kung kani-kanino nanggaling.

19. Ang pag-awit namin nina Tata at Mia ng Lupang Hinirang (in 3 voices) habang ibinababa o itinataas ang blinds.

20. Ang mga dramatic monologue at dance number ni Leo bago umuwi; ang mga creations nya -- summer burloloys, balls at ang ABS-CBN circles

21. Ang weekly team meetings, theme day, potchi at color coding ng VivaJaynas.

22. Ang basura at crumbs sa mga stations, ang magugulong upuan na parang may party lagi.

23. Ang binagoongan ni Doc at ang Mother Teresa Foundation nya (feed the world)

24. Ang malaking bag ni Drake na puro Ridges ang laman.

25. Ang entz at ang catsup foundation ni Raffy.

26. Ang happy phone at dance sessions habang naka-avail

27. Ang mga headbangers o yung umiinom ng sleeping pills bago pumasok, wika nga ni TH, at ang 'nap time' ni Clio

28. Ang patak-patak sa pagbili ng gift (bente lang namamahalan pa)

29. Ang blog na ito na nalikha gawa ng kawalan ng magagawa. Salamat sa crash html courses nina Kenny Manotoc (my blog designer) Drake and Love.

30. Ang phone call ng TM na nagbabalitang wala na ang DR Manila effective October 6, 2008.

Hay! Isang masaya, masalimuot at mahabang paglalakbay na kailangang magtapos gaya ng lahat ng bagay.

Para sa mga nakiramay sa panahon ng pagkalito at kalungkutan, nakinig sa mga kuwento'ng walang kuwenta, bumili sa mga patawa at nakisama sa mga pakulo at kalokohan, nagpakain at nanglibre, maraming-maraming salamat.

DR Manila, end-shift-release.

Related entry:

http://thejaynamonologues.blogspot.com/2007_07_01_archive.html

Binalibag Ni Choleng ng 7:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com