BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, July 28, 2007
And Jill came tumbling after ...
That's what I call a performer!
Kaya nyo yan?
Miriam Quiambao, kinabog ka!
Binalibag Ni Choleng ng 10:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 27, 2007
Sta Ana versus Anaheim sa Dencio's
P3,000 na ang nalikom na Dencio's GC ng mga pang-umaga -- P1,500 sa taga-Anaheim, P1,500 sa tropang Sta. Ana. Walang plano pero napagkasunduang gamitin ng mga dayukdok na pang-umaga dahil kapag daw hindi nagamit within 2 weeks, forfeited!
Hayun, kahit malakas ang ulan sinalasa makapunta lang kay Mang Dencio.
8-5 ... outnumbered!
13 lang ang nakasama. Outnumbered ng tropang Todd ang tropa ni Veronica pero pabor. Dahil sa malaking share ng Haydecepticons at magaling na pagba-budget ni Bobby, nagkasya ang GC.
Inihaw na pusit, calamares, crispy kangkong, sinigang na baboy at sisig siyempre. Grabe, gumapang kami sa kabusugan.
Salamat sa sponsors, cast and crew. Hanggang sa muling GC.
This entry is brought to you by SANMIG -- Jingle all the way ...
Photos courtesy of JuicePogi
Binalibag Ni Choleng ng 9:41 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 25, 2007
Ne'er Dowell
For the second time around, nasakote ko ang grand prize sa office raffle. Di kasing-halaga ng 7260 pero mahalaga na rin.
Nakakatuwa dahil plano ko talagang bumili nito. Nasira na kse ang pipitsuging ginagamit namin sa bahay.
Yehey, may bago na kaming blender!
P.S.
Incidentally, may protesta hinggil sa raffle at nag-request ng recount.
Kulang daw ang ticket sa "twik or twit" bowl.
Salamat sa "Comelec" officials na nagpaunlak sa protester. (May watcher pa huh!)
Oist! Kulang daw ang ticket ni Richie!
Binalibag Ni Choleng ng 9:28 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 24, 2007
Kuwento ni Annex
Alam ko magpapa-hair spa siya kaya kumuha ng P1,000 sa nanay ko. Laking pagtataka ko lang nang matapos mailagay sa akin ang pera, kasama rin ako ni Nanay na ibinalik sa taguan. Bagama't nagtaka, natuwa na rin ako.
Ayos! Tagal na rin naming di nagkakasama ng Nanay.
Dati, magkasama kami palagi ni Nanay pero nang maging 6 AM ang pasok ni amo, pinaghiwalay na kami. Ako na lang ang laging isinasama ni Bossing at iniiwan na lang ang kabuuan ng pera nya kay Nanay.
Daily expenses lang ang dala-dala ko.
Gabi na ng dumating ang amo ko. Nagtaka at nagulat ako. Pagbukas nya ng aparador, tuwang-tuwa nang makitang magkatabi kami ni Nanay. Ayun, dinaklot ako at nagtatakbo sa Mommy nya. Hindi magkandatuto sa pagkukuwento.
Ayun naman pala!
Akala nya nanakaw ako. Bale ba eh nasa bus na si Bossing at nang malamang nawawala ako eh bumalik pa sa opisina, ini-report sa mga guwardiya ang pagkawala ko. Akala nya kse, doon ako nasikwat. Ayun, nagulo ang balahibo ng lahat. Todo interrogate ng head security si Bossing. Inalerto at kinausap ang tagalinis, pinataob mga basura at pina-review ang video ni Kuya.
Hay naku!
Sa hiya ng amo ko, hindi na lang inamin ang pagkaiwan nya sa akin kay Nanay. Pinanindigan na lang sa mga guwardiya ang pagkawala ko.
Tsk ... tsk ... tsk ... tatanga-tanga kse!
Binalibag Ni Choleng ng 8:47 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 23, 2007
Fine dining
Spectacular view ...
Mouth-watering Asian cuisine ...
Come, visit Ayala Turo-turotoots ...
Clean as you go!
(Guard, pakidampot nga 'to!)
Binalibag Ni Choleng ng 8:37 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 22, 2007
Spinish packing agent
The agent behind the phrase ...
Si Attorney talaga, minsan lang madalaw tinulugan pa kami!
Binalibag Ni Choleng ng 8:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 21, 2007
Bobby's babe
Kung madadaan kayo sa Enfant Glorietta, mangyari lamang pagmasdang mabuti ang larawang naka-display:
Looks familiar?
Familiar last name?
Opo, anak siya ng team mate naming si Bobby. Cute noh?
Mapagkakaperahan ang batang ito ... hehehe ...
Photos courtesy of JuicePogi
Binalibag Ni Choleng ng 8:16 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 20, 2007
Konyatan ba ako?!?
Napapalalim na ang tulog ko nang may tila trosong tumama sa kanang bahagi ng ulo ko, bandang tenga. Gulilat akong nagmulat ng mata. Isang babae ang tumambad sa nag-e-estrelya kong paningin, gulilat din.
"Sorry, sorry ..." sabi nya at bago ako nakahuma, mabilis na siyang nagpunta sa bandang likuran ng bus.
"Ano ba yan!" galit na nausal ko pero alam ko wala naman siyang kasalanan. Kasasakay pa lang ng bruha sa bus, naghahanap ng mauupuan eh biglang nag-break. Hayun, ulo ko ang nalagapakan.
Miss naman. Hindi naman kalakihan ang ulo ko, 'di naman nakahambalang at ang dami namang ibang ulong puwedeng mahawakan pero bakit ulo ko pa??? Mukha ba akong "handle"?
Langya, magbiro na sa lasing, wag lang sa taong nagnanakaw ng tulog sa bus.
Letse, di bale sana kung biniro ako kaso kinonyatan ako eh!
Sakit hah!!!
Binalibag Ni Choleng ng 8:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, July 19, 2007
Sinetch siletch
Ano daw???
Alam ba ni Todd yan???
Photos courtesy of JuicePogi, Paparazzi Par Excellence
Binalibag Ni Choleng ng 9:34 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 18, 2007
Yes, I watch local channel now
Oo na, nanonood ako ng Ysabella.
Bakit ba, eh sina Juday at Ryan ang bida!
Nood kayo, ang sarap ni Chef Mito ... este, ang putahe ni Chef Mito!
Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 17, 2007
Bakit hindi ako gaanong nag-enjoy sa Harry Potter ...
1. Sobrang na-chop-chop ang movie. Madaming eksenang nasa libro ang naitsapuwera.
Eh ano naman kayang gusto ko, gawing movie ang buong libro eh di inabot ng siyam-siyam.
2. Wala ng Quidditch.
Bakit ba ako mapilit eh wala na nga!
3. Hindi bagay si Harry kay Cho Chang. Bakit nga ba tila nagmukha siyang asado siopao?
Buti na lang alam kong si Ginny ang magiging dyowa nya. At bakit siya ang ginawang chuchu tungkol sa Room of Requirement eh hindi naman siya sa book? In preparation for Part 6 ba ito?
4. Hindi si John Williams ang lumikha ng musical scoring. (akala ko tuloy patay na!)
Mataas kaya ang asking price ng Lolo o nirarayuma na siya kaya iba ang gumawa? Puwede na rin.
5. Hindi gaanong nagpatawa si Ron. Panis kay Fred and George.
Unahang tumakbo kapag gumalaw ang mga tao sa picture
Kung sabagay, pansin ko naman sa Harry Potter series, habang nagtatagal nagiging serious. Di bale, Rated R naman pagdating ng Book 7.
Apparate!
P.S.
Kathy, ang taxi driver na di alam ang Waltermart Pasong Tamo dapat i-Crucio! Pierce Brosnan ang pangalan ng nasa Dante's Peak, oo.
Binalibag Ni Choleng ng 6:42 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 11, 2007
TL ako sa yo ...
Gawi ko nang matulog sa FX pero kakaiba ang nangyari ngayon. Sa sobrang sama ng pakiramdam, nahimbing ako ng mas malalim kaysa dati. Ginising na lang ako nang mainit na likidong tumulo mula sa kaliwang bahagi ng bibig ko.
Laway! (Opo, tulo laway!)
Pasimpleng hinawakan ko ang bibig ko (kung saan tumulo ang laway) sabay hugot ng tissue sa bag, lihim na tiningnan ang mga katabi kung napansin ang pag-TL ko, sabay ubo at nagkunwang "suminga"pero ang totoo'y pinupunasan ang laway.
Okay na.
Hindi ko namalayang muli akong nakatulog at ginising na lang ako ng muling pagtulo ng laway. Namputsa, ano ba tong nangyayari sa akin?
Buti na lang Buting na, malapit na akong bumaba. Di na ako natulog pa sa takot na ma-TL muli.
Patrick, ikaw ba yan?
Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 10, 2007
Si Mother talaga!
Ang Mommy ko, mula nang tumuntong ng 60 naging makulit, pasaway at patawa.
Nang minsang kumain kami sa Chowking, pilit iniabot sa akin ang "Postal ID" nya para raw may discount. Taka ako dahil ang alam ko, OSCA or Senior Citizen Card dapat. "Puwede ba to?" untag ko pero tigas sa kasasabing puwede raw. Atubili kong iniabot sa kahera pero isa pang patawa ang kahera, tinanggap naman. Nang makabalik na ako sa table saka pa lang napagtanto ng Mommy ko na "maling" ID ang naabot sa akin. Hay, buti na lang wala rin sa katinuan ang kahera.
Nito lang Linggo, umuwi siya sa isla (tawag namin sa hometown nya dyan sa isla ng Pinagdilawan, sakop ng Binangonan) dahil namatay ang kapatid. Hindi dapat maging comedy dahil namatayan pero umiral na naman ang pagiging patawa ng Nanay ko nung libing. Sukat ba namang mag-high heels eh di bumagal ang lakad eh napasarap pa sa pakikipaghuntahan sa mga kababata habang naglalakad. Ayun, pagdating sa sementeryo, tinatakpan na ng semento ang nitso ng kapatid. Inangkupo!
Kahapon lang, inutusan akong ibili ng gamot sa Mercury Drug. Ibinigay sa akin ang pouch, kumpleto na raw -- OSCA ID, Purchase Booklet, reseta, authorization letter (mga requirement para makakuha ng 20% discount) pati na perang pambili. Nasa botika na ako nang mapansin kong ID pala ng Daddy ko ang naiipit nya sa purchase booklet. Mabuti na lang at di napansin ng pharmacist na mali ang ID siguro dahil na rin sa dami ng mamimili o dahil suki na ako o dahil "mukhang babae" ang Daddy ko sa picture kaya di napansin.
Hay, pag ganyang nakukulitan ako sa Mommy ko iniisip ko na lang ang ilang taong pagtitiis nya sa kakulitan naming magkakapatid.
It's payback time.
Binalibag Ni Choleng ng 6:38 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 09, 2007
Ang mahal kong Dingga Response
Batch 2 kaya saksi ako at naging bahagi ng halos lahat ng kaganapan sa DR.
Mula sa pagpapalipat-lipat ng building -- JG, PhilAm, Export Bank at PSC -- pagpalit-palit ng management, agents at supervisors maging clients, guard, Reliance at ultimong meal provider, nandiyan ako. Biro nga eh pag-aari ko na ang haligi ng DR.
'Di naman. Hati kami ni Tata.
Ilang taon nang bulung-bulungan na mawawala ang DR pero hanggang ngayon eh nanatili pa ring namamayagpag ... hanggang may balitang tila bombang sumabog.
Mawawala na raw ang Manila. Baguio at Cebu na lang ang matitira. Ang "pagbabago" ay isang bagay na di na bago sa DR pero iba ang isang ito.
Nakakapagpabagabag!
Kung sakaling mang totoo, tulad ng mga naunang pagbabago, walang magagawa kundi sumunod, kumapit hangga't kaya at pag di nakayanan, bumitiw.
Sa ngayon, wala pa namang definite na balita kaya nakapa-premature para gumawa ng anumang hakbang. Balita na kung sakaling aalisin nga ang Manila, mahuhuli daw kaming tropa ni Todd (syempre, maarte ang client!) at kung dumating man ang sandaling pati kami ay itegi na rin, eh di ATP (Account Transfer Program) at pag hindi nakayanan CTP (Company Transfer Program). Ganun lang yun.
Sa panahon ngayon, kailangan ang matamang pag-iisip ... hindi dapat padalos-dalos at huwag magdesisyon kapag emosyonal. Sabihin na nating hindi maganda ang nangyayari pero sabihin ko sa inyo, kahi't anong kumpanya, may kanya-kanyang "shit." Iba-iba nga lang ang degree ng baho pero "shit" pa rin.
Ang mahalaga, may trabaho at habang nalalagyan ng pagkain ang hapag, "business as usual" ika nga.
Hay, feel kong mag-reminisce ...
Beauties of Export Bank (love the view!)
Five are from Batch 107. Guess? Tata, tayo nalang natitira!
Export bank ... sariwang-sariwa ang Lovester
Batchmates sa Pizza Hut Glorietta ... 107 Rocks!
Shey's Gung Ho
My "coffee" mates JM and Alma
Asan na kayo ngayon???
Binalibag Ni Choleng ng 5:49 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 07, 2007
More than meets the eye
Sobrang nagandahan ako sa Transformers kaya dalawang beses kong pinanood. Una, kasama ang mga girlfriends ko (Clio and Kathy) tapos kanina, ang pamangkin kong si Emjhay.
Wrong move na inulit ko ang panonood dahil "never as good as the first time" talaga. Second time around, hindi na kasing-exciting at bagama't kahanga-hanga ang effects (siyempre, Spielberg eh) sumibol ang mga katanungan.
Tropang Optimus
Bakit si Sam pa ang naatasang dalhin ang cube sa building na ikinabingit pa ng buhay ng bata eh puwedeng namang isa sa mga Autobots ang mag-abot sa mga militar? Ilang hakbang lang sa kanila yun at maano ba naman kung tinutugis sila ng Decepticons? "Son, we will protect you." Hunghang, eh kung ikaw na lang kaya?
Transformers ... more than meets the eye
Bakit inutusan ni Optimus Prime si Sam na sa dibdib nya ilagay ang "All Spark" kung sakaling talunin siya ng pagkapangit-pangit na Megatron eh puwede naman palang sa dibdib ni Megatron isaksak?
Alam ko naman ang sagot. Dagdag drama at character sa pelikula, oo na.
Basta maganda ang pagkakadirihe ng pelikula. Sulit na sulit ang P121 saka P110.
Binalibag Ni Choleng ng 6:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 01, 2007
Unang araw ng Hulyo, lumipad ang mata ko!!!
Madaling-araw ... Day 1 ng July, disaster agad. Saktong isusuot ko na lang, sukat ba namang mabugahan ng electric fan ang contact lens ko. Hayun lumipad, dumapo kung saan.
Putik! Kaya nga hindi ako sa bathroom nagkakabit ng mata kundi sa kuwarto para mas safe pero disgrasya pa rin.
Sa grado kong 900, tila bulag na ako kapag wala ang "mata" ko. Kapa, kapa ... gapang ... gapang ... tuwad ... tuwad ... langya, 15 minutes ko nang sinisipat ang mga posibleng liparan ng "mata'' ko ... pinagpapawisan na ako ng malagkit pero wala pa rin.
San kaya nag-excursion ang mata ko???
20 minutes na kakakapa, kagagapang at katutuwad, sumuko ako. Lekat, male-late ako. May goggles naman ako, ba't ba ako nag-aalala? Oo, papasok akong naka-goggles pero di bale na. Kaysa naman um-absent. Pumorma na ako ng paligo. Hmp! Wala nang time maghilod sa kahahanap sa ulangyang mata ko. Late na.
Palabas ng kuwarto, naisipan kong hanapin muli ... one time lang ... huling hirit ... ayun, nakita ko! Ang lekat na mata, umangkla sa tagiliran ng tokador!
"Thank you, Lord," maluka-luka kong nausal. Medyo lumiit na ang contacts dahil sa tagal sa pagkadikit sa tokador pero binabad ko lang saglit at pagkapaligo ko, back to normal na siya.
Hay! Promise, hindi na ako mag-e-electric fan habang nagkakabit ng "mata." Wala akong balak na muling mangapa, gumapang at magtutuwad!
P.S.
Di ko talaga araw. Pauwi, pagbaba ng jeep, abala ako sa pagrorolyo ng kurdon ng iPod ko, sukat ba namang natapak ang paa ko sa lubak. Muntik pa akong madapa. Tatanga-tangang lubak. Alam nang dadaan ako hahara-hara!
Binalibag Ni Choleng ng 6:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin