BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, November 12, 2011
Lyrics in the Deep
Sinunod ko na dapat ang bulong ng damdamin ko na yung gamay ko na lang ang kantahin sa anniversary ng Bistek dahil unang-una, hindi ko gaanong na-practice ang kanta gawa ng biyahe ko sa China, kulang pa ako sa tulog tapos may sakit pa ako na kalimot ng lyrics kaso, nanaig ang lakas ng loob ko at kumpiyansa na magiging maayos ang lahat gaya ng dati kaya kinanta ko pa rin ang highly-requested na Rolling in the Deep.
Ayun! Nakalimutan ko nga ang lyrics as in total mental block! Unang intro, pinatigil ko dahil nagsasalita pa ako, pinatugtog agad (hindi ko narinig ang 4 counts). Pangalawang intro, dalawang stanza lang yata ang nakanta ko tapos wala na. Nganga! Buti na lang at mga ka-Bistek ang kasama ko, alam na nila ang sakit ko kaya kinanta ko siya ng may hawak na kodigo pero gusto kong lumubog sa kahihiyan ng panahong yun.
Pagkakanta, gusto ko nang umuwi dahil bad trip talaga ako pero sabi ng mga nandun, okay lang daw yun. Maganda naman daw ang pagkakakanta ko pero hindi sapat ang mga reassurances para gumanda ang pakiramdam ko. The truth remains. Palpak ang performance ko. Sabi nga ni Simon Cowell, forget the lyrics and you're dead!
Ganun talaga. Nangyari na, walang magagawa. Salamat na rin sa Bistek sa pag-imbita. Alam ko masarap ang food and drinks, masaya ang program at meron pa nga akong award at napanalunang blender pero hindi na talaga ako nag-enjoy dahil sa nangyari.
Hay!
Binalibag Ni Choleng ng 8:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin