<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 10, 2011

Rampa Sa China - Mga Pananaw:
  1. Tatlong oras ding mahigit ang biyahe mula Pilipinas hanggang Shanghai.  8:35 PM kami umalis ng Manila, 11:30 PM na kami dumating sa Pudong, international airport ng Shanghai.
  2. Sobrang foggy nang dumating kami sa Shanghai.  Nagtaka nga ako, nag-announce na magla-landing na pero puro dilim ang nakikita ko sa bintana.  Nagulat na lang ako nang bumulaga ang mga ilaw ng runway at nag-touchdown na.
  3. Nagagandahan na ako dati sa NAIA Terminal 3 pero nagmukhang tae kumpara sa Pudong Airport.  Actually, kahit airport ng Bangkok mas maganda pa rin sa airport natin pero mas may malala pa sa atin, alam ko.
  4. Hindi kagandahan ang tinigilan naming Phoenix Hotel pero strategic naman ang location.  Ipinagpipilitang may wifi daw, ni hindi naman kami nakakonekta pero okay din naman dahil blocked din ang Facebook, YouTube at kung anu-ano pang sikat na site sa China.
  5. Hirap pa rin sa pag-English ang mga local kaya simpleng bagay, kutaku-takut na paliwanagan, turo sa picture at sign language ang magaganap.  Nakakaloka dahil alam naman nilang hindi ka marunong mag-Mandarin pero sige pa rin sila sa pagkausap sa 'yo ng lengguwahe nila.
  6. Mahilig talagang kumain ang mga Intsik.  Kahit saan ka tumingin, pagkain;  karamihan ng makasalubong mo may bitbit na pagkain, ang mga bisikleta may sadyang lalagyan ng pagkain.  May nakita nga akong tumatawid sa main road  naka-coat and tie pero may bitbit na maliit na kaldero (kaya nyo yun?)
  7. Bihira ang nagkakape sa China kaya nahirapan kaming maghanap ng Starbucks.  Meron malapit sa tinigilan namin sa Shanghai pero wala talaga sa Beijing.  Ay meron pala ... sa airport!
  8. Tsaa ang pinakatubig sa China.  Yan pala ang lihim ng pagiging balingkinitan nila.
  9. Mahilig ako sa Chinese food pero iba pala ang timpla ng authentic.  Pancit, siopao, siomai ... puro hindi masarap.  Mas trip ko pa rin ang Chinese food sa Pinas.
  10. Sanrekwa ang bisikleta sa China pero sabi ng guide namin, nabawasan pa raw.  Susme! 
  11. Kahit senior citizen na, nagtatrabaho pa rin sa China at hindi sila uugod-ugod.  Upright pa rin ang lolo't-lola!
  12. Mahilig maglaro ng dama at baraha ang mga Intsik.  May nadaanan kami malapit sa hotel, umagang-umaga nagdadama!
  13. Parang harsh ang mga parents sa anak nila.  Ilang beses akong nakakita kung pano sigaw-sigawan at kaladkarin ng nanay ang anak habang naglalakad na para bang rag doll lang ang kasama o baka naman ganun talaga sila?  Karinyo brutal?
  14. Magaganda ang tulay at kalsada sa China.  Kamangha-mangha ang mga buildings sa Pudong Skyline sa Shanghai pati na sa The Bund.
  15. Isang oras din mahigit ang biyahe mula Shanghai papuntang Beijing (takeoff 8:40 PM, arrived Beijing 10:30 PM)
  16. Fashionista ang tour guide naming si Sally pero ayon sa kanya, simple pa raw siya kumpara sa mga naging kaklase nya.  Sabagay, japorms nga ang mga Tsino.  Sa Shanghai nga yung tindero ng tubo juice (sugar cane) naka-coat pa.  Iba na ang nagagawa ng malamig na klima.
  17. Shanghai ang business capital ng China, Beijing naman ang sentro ng kultura.
  18. Mahigpit pa ring ipinapatupad sa China ang One Child Policy.  Kapag lumampas sa isang anak, kailangang magbayad otherwise, wala kang libreng pag-aaral sa primary  at secondary school.
  19. Naglalaro sa 7-12 degrees ang temperature sa Beijing, 4-10 naman sa Shanghai.  Pansin ko early to bed, early to rise ang drama ng mga tao dito.  9 PM pa lang, madalang na ang tao sa kalye.
  20. Tulad ng Phoenix Hotel sa Shanghai, strategic din ang location ng tinigilan naming TianTian Hotel.  Nilalakad lang namin papunta sa mall at supermarket.  Tuwing gabi, may mga nagtitinda sa bangketa:  damit, kumot, fruits ... kahit ano.  May nakursunadahan nga akong boots na halagang P250 lang sa atin.  Di ko binili dahil sabi ko, hindi appropriate sa klima natin pero sayang din.  Ganda!
  21. Nahiya naman ako sa mga local nang pumunta kami sa dining room para mag-breakfast.    Nakapantulog pa kami samantalang sila, puro naka-black coat and slacks. 
  22. Breakfast pero parang pang-lunch na ang laging handa sa TianTian.  Dami pang gulay kaya ang ganda ng dumi namin ... hehehe!!!
  23. Kahit hindi peak season, di mahulugang-karayom ang tao sa tourist spots at take note, karamihan sa kanila, Intsik din!  Ganun kalaki ang China!!!
  24. Napakalawak pala ng Tiananmen Square.  Naalala ko na dito maraming namatay nang tangkaing gayahin ang People Power natin.
  25. Ekta-ektaryang lupa ang sakop ng Forbidden City at pare-pareho ang pagkakayari ng gate at palasyo.  Nakakamangha sa una, nakakaumay sa katagalan.
  26. 9 pala ang lucky number ng Emperor kaya lahat ng gate, may 9 x 9 na bilog.
  27. Patitikimin ka ng kung anu-ano'ng klase ng tsaa sa Ancient Tea House sabay sapilitan kang pabibilihin ng produkto nila.  Di bale sana kung affordable pero RMB 800 ang isang lata o halos P5,000 sa pera natin!  Hindi nila ako napilit kse sabi ko wala akong pera pero ang galante kong kapatid, hindi nakatanggi.
  28. Parang extension ng Forbidden City ang Temple of Heaven.  Sandamakmak na palasyo at gate na may 9x9 na bilog.
  29. Bring your own bag ang drama ng mamimili sa China.  Bitbitin mo ang pinamili mo o bumili ka ng plastic bag sa halagang RMB2 (mga P12 din yun!)
  30. Nakaka-amuse ang free locker sa supermarket.  May pipindutin kang button, tapos may bubukas na locker kasabay ng pagluwa ng thermal paper.  Yung thermal paper, may barcode na gagamitin mo pag kukunin mo na yung mga gamit mo.  Tapat mo yung barcode sa scanner na nasa bandang taas ng locker mo at voila!  Bubukas ang locker mo.  May ganyan ba sa atin?
  31. Hindi masarap ang KFC sa Beijing.  Iba ang menu, iba rin ang timpla.  O di ba may milk tea sa drinks nila.  Uminit ang ulo ng kapatid ko dito k'se impleng kanin lang ang gusto nya, inabot sila ng siyam-siyam.  Ako nga o-order lang ng Coke, di pa naintindihan.  Buti  na lang, may picture ng Coke sa counter kaya tinuro ko na lang.  Ayun, nagkaintindihan kami ng crew.
  32. Kamangha-mangha ang mga bagay na gawa sa jade sa Jade Museum.  Ang bangle pala na nasa kaliwang braso ay nakakatulong sa magandang pag-function ng puso. Nakakasakit nga lang ng puso ang presyo! RMB1200.  Kayo na lang mag-compute!
  33. Nakakahingal palang rumampa sa Great Wall.  Nakadalawang ascend lang kami k'se yung ikatlong stage, sobrang matarik tapos ang layo ng susunod na pahingahan.  Wag na.  Nagkokodak na lang kami, jumpshot at planking.  Yes, nag-planking kami!
  34. Masarap at enjoyable ang buffet lunch sa Golden Palace.  Natuwa kami dahil yung katabing table namin, nagtatagalog.  Finally, kabayan after 3 days.  Di lang namin na-chika kse mukhang hindi sila friendly saka umalis sila kaagad.
  35. Para sa isang kulasisi ng emperor, bongga ang Summer Palace.
  36. Ganda ng Olympic Nest sa personal.  Sayang kulang sa oras at budget kaya hanggang tingin  at kodak na lang kami.
  37. Natuwa sa amin ang may-ari ng jewelry shop na si Ms. Lin dahil Pinoy kami.  Bihira raw kseng may mamasyal na Pinoy sa China (Weh?!) May shop daw sila sa Ongpin, binigyan kami ng jade pendant.
  38. Sa halagang RMB20 na donasyon, may libreng foot massage na kami at lecture sa herb and acupuncture at palmistry sa huling pinuntahan namin.  Yung doctor na nag-discuss about palmistry, nakapunta na raw sila sa Pinas, sa PGH.  Makikita raw ang sakit  ng tao sa simpleng pagtingin sa palad.  Eto'ng isang kasama namin (Francis), nagpauto ... este, nagpatingin pero kami ni Girlie, hindi na.  Alam  na k'se ang mangyayari, libre sa simula pero may iaalok pagkatapos.  Eh di totoo nga.  May inalok na mga gamot para sa liver pero hindi na kami nagpabola at talaga namang di na mabobola k'se wala ng anda.  Matapos ang tsaa, jade, ruby at sapphire, alam na namin.
  39. Medyo malapit sa orig ang menu sa McDo.  Gaya ng KFC, may tsaa din. 
  40. Cute yung girl sa check-in counter sa Pudong Airport nung pauwi na kami (CebuPac pero taga-China Eastern ang nag-assist)  pero masungit.  Kung sa CebuPac okay lang na ikarga nang sabay-sabay ang maleta sa timbangan, sa kanya hindi puwede.  One by one, ilang beses nyang sinabi.
  41. There's no place like home.

Binalibag Ni Choleng ng 3:03 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com