<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Tuesday, September 27, 2011

Kapit-tuko!

Yabang-yabang ko pa’ng binuksan ang payong paglabas ng opisina.  Sabi ko sa sarili ko, heavy duty yata ang payong ko kaya kayang-kaya nito ang malakas na hangin pero nawala ang kumpiyansa ko nang nasa center island na ako ng Ayala. Sobrang lakas pala ng hangin!  Yung halos liparin na ako … ‘tong lusog kong to!!!  Sapilitan kong sinara ang payong ko pero effort at nang finally eh maisara ko na eh bali-bali na ang tadyang ng pinakamamahal kong payong.

Akala ko hindi na ako makakatawid sa sobrang lakas ng hangin pero naglakas-loob akong tumawid dahil sobrang nabubugbog na ako ng malakas na hangin at katawa-tawa ang hitsura kong tila tuko na nakakapit sa stop light.  Mukha akong buruka nang makapasok sa RCBC pero medyo na-relieve na rin dahil nakatakas ako sa malakas na hangin pero saglit lang ang relief ko dahil nakita kong sa HV de la Costa entrance/exit ay may bumubugang kulay-abong usok na sinabayan pa ng tunog ng tila papa-take off na eroplano.  Take-off???  Natigilan ako sabay namutla.  Oh My God,may magka-crash yatang eroplano! Pero marami kaming nakatayo at tila natutulala sa lakas ng hangin pero di naman nagpa-panic ang iba so inisip ko na lang na baka may ibang pinanggagalingan ang usok.

Ilang beses akong nag-attempt lumabas ng RCBC pero pakiramdam ko liliparin lang ako.  Mga 15 minutes pa siguro bago ako nagkalakas ng loob na lumabas dahil tila humina ang hangin.  Nagmamadali akong sumakay ng FX paputang Bagong Ilog saka ko napansin na dito lang sa bahagi'ng ito ng Makati  malakas ang hangin.  Along Buendia eh normal lang.

Hmp, nabiktima na naman ako ng kantong yun.
 

Binalibag Ni Choleng ng 10:50 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com