BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, July 22, 2011
The power of FB
Maganda sanang proyekto ng aming barangay na talagang todo ang suporta ko dahil isa ako sa muntik ng maasikdente pero gaya ng mga naunang proyekto, mukhang di siya magiging matagumpay dahil sa mga pasaway.
Nag-init ang ulo ko nang pag-uwi ko ngayong umaga ay may nakasalubong akong naka-motorsiklo sa eskinita at ang hagdan na sadyang ginawa para hindi na sila makadaan, may rampa pa!
Sa inis ko, nag-post ako sa Facebook:
Akalain n'yong sandali ko pa lang naipo-post ay may tawag agad mula sa barangay. Tinag ko k'se yung kapit-bahay naming barangay official. Pinapatanong kung kakilala ko yung naka-motor. Sabi ko hindi dahil nakasalubong ko lang at hindi ko naman nakuha ang plate number dahil galing ako ng palengke, ang dami kong dala-dala.
Bagama't nakakainis ay nakakatuwa na rin dahil nalaman kong hindi natutulog sa pansitan ang barangay namin. Ang laki pala ng takot nila kapag na-post sa FB k'se marami nga naman ang makakabasa at kasiraan nila ang hindi pagpapatupad ng mga ordinansa.
Good job, mga Barangay officials. Good job, FB.
Binalibag Ni Choleng ng 9:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin