BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, August 29, 2011
Hapi Hapi sa Legazpi
May banta man ng bagyong Mina at muling pagpa-palpitate ng Mommy ko dalawang araw bago bumiyahe, natuloy pa rin kami sa Legazpi. 'Yun nga lang, talaga'ng di na nakasama ang Mommy sa takot na muling sumpungin pero di naman nasayang ang ticket dahil nag-proxy ang kapatid kong si Janet.
Salamat sa Diyos, kahit nakatambay si Mina sa Pinas, naging smooth naman ang flight namin at naging memorable ang birthday celebration ni Girlie bagama't naging maulap at maulan ang ilan naming paglilibot at mailap ang dinalaw naming Bulkang Mayon.
Mga 40 minutes lang ang biyahe mula Manila hanggang Legazpi at vice versa.
Kailangang tumawid ang eroplano sa body of water bago mag-landing sa Legazpi. Natakot ako na baka malaglag kami sa tubig pero hindi naman.
'Pag pala di gumagana ang conveyor, agawan mode ang drama sa pagkuha ng mga bagahe. Brownout daw k'se. Buti walang nawalan despite the chaos.
Ranked #3 daw ang Alicia Hotel na tinigilan namin pero pamatay ang charges. Akala namin provincial rate dito pero saan ka nakakita ng P50 pero scoop ang rice?
Hotel ang tinigilan namin (Room #27) pero mala-Bora ang dating ng bahay ... duplex style so paglabas ng door, lupa at fresh air agad.
Lasang luma ang tocino sa unang almusal namin sa Alicia Hotel pero bumawi naman noong pangalawa dahil masarap ang longsilog, hiniwa pa nila at complete with presentation ang baon naming pinya.
In fairness, masarap matulog sa Alicia Hotel lalo na kung straight from shift ka at wala pang tulog. Deadma sa maiingay mong kasama.
Tagalog din naman ang usapan ng karamihan ng mga native kaya walang language barrier na naganap.
Parang MOA ang Embarcadero de Legazpi kse open air. May zipline pa na na-feature sa Sports Unlimited nila Dyan Castillejo at Marc Nelson.
Tanaw rin daw ang Mayon sa Embarcadero pero dahil maulap, puro ulap ang nakita namin.
Maraming branch ng Biggs sa Legazpi. Dalhin yan dito sa Makati!
Libre ang e-jeep mula Embarcadero hanggang monumento ni Bonifacio. Bongga! Ba't wala nito sa Megamall???
Ang Gaisano at Pacific Mall ay iisa. Naku ha! Mas mura pa ang souvenirs dito kaysa bus terminal o dun sa Cagsawa. Pambihira!
Kung na-disappoint kami sa pagkain sa Alicia Hotel, bongga naman ang Mr. Crab. Dito kami nag-dinner pagkapahinga mula sa pagrampa sa bayan. Maganda ang ambiance, masarap ang food at affordable pa!
Super nakaka-disappoint ang city tour package ng Alicia Hotel. P5,000 na nga ang singil, car rental lang pala ang covered, hindi kasama ang tour guide, walang libreng lunch katulad ng packages namin sa Kota Kinabalu at Palawan, pakain pa yung driver.
Hindi alam ni Manong Driver kung ano ang height ng Mayon above sea level. Di bale, magaling naman siyang mag-drive at mag-take ng pictures.
Walang nakakalusot na sasakyan papuntang Cagsawa dahil nasira ang tulay kaya nilalakad na lang tapos dumadaan sa tulay na kahoy. P10 ang entrance fee sa Cagsawa Ruins.
Una mong mapapansin sa entrance ng Hoyop-hoyopan cave ang simoy ng hangin kung saan nakuha ang pangalan ng kuweba ... hoyop daw ibig sabihin ihip ... ihip ng hangin. Langya, katunog ng hayop.
Mickey Mouse ang tawag ko sa Hoyop-Hoyopan Cave dahil kumpara sa Sumaguing Cave ng Sagada o subterranean cave sa Palawan, napakadali'ng mag-trek dito. Bukod sa may mga ilaw sa loob, may sementadong hagdan, tulay at daanan, may dance floor pa! Hindi ako natuwa dahil pakiramdam ko, na-violate ang kuweba. What the heck! Hindi naman ako ang may-ari pero sayang talaga. Ni walang gaanong amoy ng pupu at wiwi ng bats. Commercialized na ang kuweba. Sad!
Isa sa mga sikat na rock formations sa Hoyop-Hoyopan ang kamay ni Tatang. Milagroso raw ang tubig na pumapatak mula sa tila nagpapamanong kamay. Taon-taon raw, ayon sa guide, maraming pumupuntang deboto tuwing Mahal na Araw at kinokolekta ang tubig mula rito na pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng kung anu-ano'ng karamdaman. Kumuha ng konti si Girlie, pinasalubong sa Mommy panghaplos sa dibdib para di na mag-palpitate.
Everything P50 sa Lets Special Pinangat. Lahat ng order naming ulam na nakalagay lang sa kakapiranggot na platito, P50. Di naman kasarapan! Nag-LBM tuloy ako!!!
Meron palang dinuguang gabi at winner talaga ang laing at Bicol express.
Ang hirap mag-city tour kapag kukulo-kulo ang tiyan mo at gustong-gusto mong magpasabog ng hangin pero hindi mo magawa sa takot na mahilo ang mga kasama mo sa van.
Ang Mayon Skyline na ang next to climbing the volcano herself kaso nga dahil kay Mina, ulan at fog ang sumalubong sa amin. Muntik pa kaming ma-hypothermia sa lamig!
Sa Lignon Hill View tumatambay ang mga turista tuwing nag-aalburoto si Magayon dahil kitang-ita ang kanyang kamahalan. Tanaw rin ang buong siyudad ng Legazpi dito.
Totoo palang may dalaw ka sa Albay na hindi talaga magpapakita ang Mayon. Nangyari sa amin. Mabuti na rin at kahit pala legs ay nakita namin.
Nakaka-LBM pala ang puro gata at sili ang ulam. Saklap, mahapdi sa "lagusan" na tila sinisilihan. Hay!!! Hindi pa tumalab yung Diatabs na binili ko pa sa Gaisano Mall kaya magdamag akong labas-pasok sa CR!
First time kong nakatikim ng tinapa rice sa First Colonial Grill. Masarap pala.
Talagang palang flights are subject to change dahil dinugasan kami ng Air Philippines. 2:25 ang original na alis namin sa Legazpi pero ginawang 10:00 AM. Bitin tuloy ang tulog ko!