<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, August 04, 2011

Hay naku!

Passport application at renewal lang pala ang okay sa bagong DFA pero pagdating sa releasing, same ‘ole government office pa rin.

Gate 3 ang entrance for releasing.  Inaasahan kong may kukunin kang number na naka-thermal paper, katulad ng sa Processing pero sinabi ng guard na ilagay na lang sa “box” yung resibo ko.  Naghahanap ako ng high tech na box, maliit na kahong kahoy lang pala ang tinutukoy nya.  Yung parang lalagyan ng classcards.

So ganun pala.  Pagdating mo, ilagay mo ang resibo sa kahon, face down kse kapag kinuha ng magpa-process, yung nasa ilalim ng kahon ang una eh pano kung may mandaya at ilagay sa pinakailalim ang resibo nila?  Eh di nauna pa sila?

Hay naku!

Okay, 8:00 AM, nagbukas ang “telon” ng mga bintana.  In fairness, sosyal na ang kurtina di tulad sa lumang DFA na karton ng gatas ang pangtabing ng bintana.  Ayun, doon nasagot ang tanong ko kung ano ang ginagawa ng karaoke system sa Releasing.  Yun pala ang sound system.  PA System pala yuuuun!!!  Eh di tinawag, by 10’s yata.  Nampucha, gaano ba kahirap sabihin ang tamang window number???  Dalawang beses nangyari na yung mga tinawag at pinapapunta sa designated window eh pinapalipat sa ibang window.  Mga 30 katao’ng nagpapanabog dahil sa mali’ng pag-anunsiyo ng window number na pupuntahan.

Hay naku!

8:45 ng umaga, nasa kamay ko na ang bago ko’ng passport.  Sibat ako agad dahil may pasok pa ako pero ang saklap, dahil malakas ang ulan, walang masakyang taxi kaya nag-bus na lang ako pero madugo!  Siksikang parang sardinas at sa pagmamadali kong makasakay, di ko napansin na dadaan pa ng Ayala ang bus.  Kalbaryong sobra-sora, nakatayo ako mula Baclaran hanggang Ayala ... traffic pa!!!

Hay naku!

Lesson learned, laging magdala ng ATM para kung maiwan man ang pera, may iba pang mapaghuhugutan.  Kung pina-courier ko ang passport ko, hindi ko sana napagdaanan ang kung anu-anong kalbaryo.  Sa halagang P120 mahigit, hindi na sana ako nagpalipad ng kutakutakot na PI at hay naku!

Binalibag Ni Choleng ng 6:49 PM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com