BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, October 22, 2011
Silang tumatahol na walang buntot
Normal nang personalidad sa isang isang jeepney, bus o tricycle terminal ang isang barker na para sa mga hindi nakakaalam ay siyang taga-tawag ng pasahero, taga-announce kung ano ang ruta at kung ilan pa ang kulang. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang magka-barker sa lugar na sadyang sakayan at ang nakakabuwisit, dumarami pa sila.
Para lang kseng mga tanga na ginagawang tanga ang mga pasahero. Isipin nyo ... Loading/unloading nga ... ibig sabihin sakayan kaya hindi na kailangan pang isigaw kung ano ang ruta dahil marunong naman kaming magbasa ng karatula at huwag na sanang mag-effort pang magpakalagot ng ngala-ngala dahil sasakay naman kami'ng talaga. Hindi na rin kailangang ituro kung saan kami uupo. Alam na namin yun!
Yung ibang barker, ang aangas pa na akala mo pag-aari nila ang sakayan at kung makakatok at makasahod ng kamay sa driver para hingin ang “bayad,” akala mo obligasyon ng driver na bayaran sila sa tuwing may sasakay. Bagama't barya-barya lang yun, sa dinami-dami ng babaan, malaki rin ang nawawala sa driver.
Kahit wala'ng barker, makakasakay pa rin kami.
Hindi ko masikmura ang kakapalan ng mukha ng mga barker d'yan sa Kalayaan lalong-lalo na sa C5 papuntang Buting pero pati ba naman ang dating tahimik na tawiran dyan sa tapat ng PhilPlans (Total) eh may barker na rin?
Utang na loob, lubayan na sana ang mga kaaawa-awa'ng driver dahil nagtatrabaho ng marangal ang mga yan, nagbabanat din ng buto at nagpapatulo ng pawis. Alam n'yo yun?
Lamunin sana ng lupang tinatapakan ang di nakakaintindi.
Binalibag Ni Choleng ng 10:44 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin