Mag-isa lang ako sa likuran ng FX kaya kampanteng inilapag ko sa bakanteng espasyo sa tabi ko ang in-order kong butter cookies. Bandang Valero, may lalakeng pumara. Majuba, dambuhala, biggest loser material. Dahil nga mega super duper Triple XXXL, inakala ko'ng sa bakanteng upuan sa tapat ko siya uupo pero hindi.! Pumorma ng upo sa tabi ko.
Whew, muntik nang maupuan ang butter cookies ko ng elepante (excuse the word pero ganun talaga siya kalaki)! Buti na lang, mabilis ang kamay ko kaya agad kong nasikwat ang kahabag-habag na cookie bago pa mag-landing ang wetpu ng dambuhala ... este ng mama at gawing polvoron ang biskuwit.
Whew! That was close!
Dapat kse kapag malaki titingnan muna ang uupuan. Eh kung may pusa pala eh di siopao material ang kalalabasan?
Tsk ... tsk ... tsk ...