<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, October 12, 2011

PI na NBI
Pagod, puyat, gutom at sama ng loob.  Yan ang naranasan ko sa pagkuha ng clearance sa NBI. 

Effort na nga sa paghahanap ng satellite office na pupuntahan, pagod at puyat pa sa paghihintay.  Balewala na kung pumila ako mula 7am hanggang 2 PM straight from work pero sana naman, nakuha ko ang clearance pero hindi.  For the nth time, may “hit” ako at ang pinakamasaklap, makukuha ko pa siya matapos ang 12 working days.

Oo na, common nga ang pangalang Gina Cruz pero imposibleng Lizertiguez din ang middle name ng hinayupak na kriminal na yan?   Ano pa ang silbi ng paglagay ng kumpletong pangalan at apelyido, edad, address pati kulay ng balat, pangalan ng asawa, ama at ina sa application form kung sa simpleng kapangalan eh maghihintay ka pa?

Umalma talaga ako sa mama'ng nakatoka sa biometrics.  Sinabi kong hindi kakayanin ang 12 working days dahil mag-a-apply na kami ng visa para sa biyahe namin sa China sa October 20.  Makiusap daw ako kay hepe.  Hindi ko ugali'ng makiusap pero dahil desperado na ako, hinarap ko ang hepe.

Hepe pala yung lalakeng nakita naming nag-aayos ng pila at nagbibigay ng lecture sa paglalagay ng tamang impormasyon sa application form.  Maayos namang kausap si hepe na ayaw sabihin ang pangalan, napahinuhod ko na ma-release ang clearance matapos ang isang linggo kaso medyo mapagbiro dahil pagbalik ko raw pakakasalan ko raw siya.

'To namang si hepe, amoy lupa na nga eh nakuha pang magbiro ng ganun.

Siguro gusto lang akong patawanin ng hepe dahil nakita nya ang tindi ng pangangailangan ko base sa mangiyak-ngiyak kong pananalita pero pangarap ko lang talaga, maging maayos na ang pagkuha ng clearance sa NBI.  Ma-upgrade sana ang system para hindi yung may kapangalan ka lang eh maaabala ka na.

Sabi ni hepe ngayong bago na ang sistema nila (take note, hindi ka na sa tinta magpi-piano, electronic na ang pagkuha ng fingerprint) pero sana nga totoo ang sinasabi n'ya dahil sa panahong maunlad na ang teknolohiya, hindi na dapat maging kumplikado ang lahat.

Diyos ko, ano bang klaseng bansa itong kinalalagyan ko!

Binalibag Ni Choleng ng 2:57 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com