<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, April 30, 2011

'Tong galing na to tsugi?


I don't know what's wrong with you, America, but you got it wrong again.  Casey Abrams may look old but he's new.  He could have been the first jazzist American Idol and a damn good stand-up bass player at that.  What the ...

Binalibag Ni Choleng ng 11:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Metz went to your wedding
Matapos ang madugong pagpaplano, konting tampuhan, balitaktakan at dramahan sa FB, natuloy din ang pagpunta ng Metanoia Choir (o Metz -- kami yun!) sa kasal ng ka-Metz na si Edmar sa San Narciso, Quezon.

Dahil may trabaho ang ibang miyembro at sa kasawiang-palad ay hindi pinayagang mag-leave, sina Emil at Lea naman ay kaalis pa lamang papunta sa lupain ng mga kangaroo, kami lang nina Conrad, magdyowang Pao at Chad, Michael at si Jun lang ang nakasama.

Ayos!  Isang MD cum pianist cum tenor, 2 tenors, 1 bass at 2 altos.  Asan ang soprano?

Problema ba yun?  Once a Metz, always a Metz.  Hindi uurong kahit dehado.  Medyo madugo pero kinaya.  Papaano?  Eh di naghalinhinan kami ni Pao sa pagso-soprano.  Soprano siya sa alam niya, ganun din naman ako.  Pag parehong hindi namin alam ang soprano eh di puro alto.  Hahaha!


Acceptable naman ang pagkakakanta namin at kung hindi man perpekto, ang pinakamahalaga ay napagbigyan at napaligaya namin ang bagong Mr. and Mrs. Lizardo.   Saka inaral ko naman yung soprano part ng mga crucial songs katulad ng Pananatili at One Hand, One Heart kaya okay pa rin.

Sulit naman ang pagdayo namin sa Quezon dahil siniguro ng mag-asawa na komportable kami sa bahay nila, masarap ang food, enjoy sa karaoke night pati na rin sa Talisay Beach.  Instant summer outing ng Metz, saan ka pa!

Isang hindi makakalimutang bahagi sa kasaysayan ng Metz lalong-lalo na siguro si Michael na pinagnasaan ng isang chararat ... hahaha!

O heto ang mga naging kaganapan.  Nandyan ang chararat, hanapin nyo na lang.  Congratulations and best wishes, Edmar and Rojie.  Such an honor to be part of this monumental event.  




Location:  San Narciso, Quezon Province

Binalibag Ni Choleng ng 8:14 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 25, 2011

Ayos ah!
Ibang klase'ng paggunita sa Mahal na Araw ang ginawa ng mga kapamilya ko.  Anak ng ... ginawang casino ang bahay!

Photobucket
Hajii, ang balasador

Photobucket
Mga adik sa in-between

Photobucket
Hindi lang balasador, taga-bola pa.  Nang mapagod sa in-between, bingo naman!

Photobucket
Sige, markahan nyo, mga adik!

Photobucket
P100 para sa unang makakabuo ng 'X'

Photobucket
... P100 naman sa unang makakabuo ng krus ... ayun, may touch of Holy week na rin!

Photobucket
Kuko ng adik!

'Di bale, masaya naman sila at saka bonding session din yan.  Inggit lang ako k'se may pasok ako ng Holy Week.  Waaaah!!!

Binalibag Ni Choleng ng 1:05 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 24, 2011

Okay ka lang???
"Miss, d'yan ka na lang sa estribo para makauwi ka na," sabi ng driver sa paparating na pasahero. 11:45 PM na kase, matagal pa bago mapuno ang kasunod na jeep. 

"Ayaw mo, di huwag!" bulalas ng driver ng tila di siya pinansin ng babae.


Mamang driver, okay ka lang? Babae yan papasakayin mo sa estribo?


Painumin kaya kita ng break fluid?

Binalibag Ni Choleng ng 9:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, April 22, 2011

Oweno kung Biyernes Santo?
Clockwise:  Roel, Chie, Me and Anz.  Nasayaran na naman ng Starbucks ang simmura namin.  Thanks, Roel.  Starbucks, kailan pa ipinagbawal ang pagkain ng carbonara?  Bakit, may tinda ba kayong ganyan?  Hmp!

Binalibag Ni Choleng ng 1:26 PM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ang kulet eh!

"Sa'n kayo, Ma'am?" tanong ng isang teenager na alam kong taga-tawag ng taxi ... for a fee.


Di ako sumagot dahil di ko ugaling makipag-usap sa hindi ko kakilala pero tinanong ako ulit. "Saan kayo?" 


Nakulitan ako kaya sinabi ko, "Ako na lang ang nakakaalam kung saan ako pupunta."


Pak! I'm so mean.

Binalibag Ni Choleng ng 9:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 10, 2011

Manila Bay Cruising
Amoy imburnal pagdating sa bandang MOA pero sa kabuuan ay enjoyable naman at kakaiba ang aming family bonding:


Binalibag Ni Choleng ng 9:18 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com