BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, November 21, 2011
Barefoot Idols
The sandals strike again!
Ipinahiya na ako nito noong inimbitahan akong kumanta sa anniversary ng Bistek isang taon ang nakalilipas pero wala akong kadala-dala. Pina-repair at muli ko pang isinuot, heto ang napala ko. Kung bakit k'se mahal na mahal ko ang pahamak na sandals na ito.
Naimbitahan kaming mga past Idols na mag-opening number sa ikalawang elimination night ng AGT, bagong talent search ng kumpanya (APS Idol format din, iniba lang pangalan). Saktong nasa intro part ako ng Time and Tide (yung humming na yeahhh sa simula) at pahakbang pa lang ako paakyat ng stage nang mapigtal ang sandals ko.
Kung anu-ano ang pumasok sa isip ko ng mga sandaling yun. Ipapatigil ko ba ang tugtog, sabihing "time out!" nasira ang sandals ko! Magwo-walkout ba ako sa stage? Tatakas ba ako o pangaraping lumubog na lang sa kinatatayuan? Wala akong ginawa sa kahit isa bagkus iipod-ipod ako naglakad sa gitna ng stage at kumanta na parang wala lang pero meron. Deadma!
Kalagitnaan, Isang manonood ang nagpasyang tapusin ang kalbaryo ko, hindi nakatiis na lumapit at tinanggal ang straps ng sandals ko. Salamat, Madam Sheena, naranasan kong mag-a la Josh Stone. Ganun pala ang pakiramdam ng kumanta ng nakayapak.
|
Madam Sheena removing the straps habang kumakanta pa rin ako |
|
Sing galore pa rin kahit nakayapak |
Mabuti na lang at gamay ko na yung kanta kaya namin kahit nagkapigtal-pigtal na ang sandals ko, hindi naapektuhan ang pagkanta ko at himala nang himala, hindi ko nakalimutan ang lyrics. Sabi ng Dad ko, baka raw sinadya ko para may drama pero sino ba naman ang may gustong magka-wardrobe malfunction?
Barefoot idols, yan ang sabi ng mga emcees matapos kaming kapanayamin ng hiwalay ni Mitch Padilla, APS Idol 2010 at kasama ko sa opening number. Nagyapak na rin k'se si Mitch at talaga namang super na-touch ako sa ginawa n'ya! Marahil dahil sa isa rin siyang performer, alam ni Mitch ang hirap ng pakiramdam at para maibsan ang kahihiyan, dinamayan nya ako. Dalawa na kaming yapak.
Winner ka talaga, Mitch!
|
With APS Idol 2010 Mitch Padilla
|
|
Chilling after the opening with Mitch |
Ano ang ginawa ko sa
sandals pagkauwi? Oo, paborito ko siya, mahal ko siya, maganda pa, mukhang bago at malaki ang naging bahagi sa buhay ko
(suot ko siya nang magwagi ako noong APS Idol 2009) pero hindi ko na siya hahayaang ipahiya ako sa ikatlong beses.
Binalibag ko sa basurahan!!!
Hmp!
Binalibag Ni Choleng ng 5:39 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin