<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, December 11, 2011

Luminash
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako um-attend sa yearend party.  Una:  malayo at kakaiba ang venue (oo, Manila Post Office doon sa Liwasang Bonifacio ... parang rally lang);  ikalawa:  wala naman sa mga tropa ko sa WFM ang gustong um-attend (ayaw ni Cielo dahil naaalala daw nya ang aktibista days nya ... with the exception of  party animal Lovely, of course);  ikatlo, kailangang luminous ang outfit.  Ano, magbibiyahe ako mula sa amin hanggang Quiapo ng shiny, shimmering splendid???  Eh kung sinabi ba namang aktibista, takatak boy o tindera ng balut o fishball ang outfit baka um-attend pa ako.

Kung may production number siguro ang idols, mapipilitan akong dumalo eh kaso wala.  Actually, meron dapat kaso mga 2 days na lang before the party sinabihan ang Idols Circle kaya walang naka-commit.  Ano kami, tape recorder na isang pindot lang sa play lang eh tutunog na?  Syempre kailangan ng rehearsal.  Kami pa na may problema lagi sa lyrics (Wahaha!)

Bandang huli, stay at home na lang ang drama ko na nakabuti rin naman dahil ayon sa ka-idol kong Roel, walang kuwenta ang food pati ang program.

Just the same, sad pa rin ako kse hindi na ako perfect attendance.

Binalibag Ni Choleng ng 4:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com