BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, November 17, 2008
Ang Pinoy nga naman ...
Taba
Ang Pinoy kung minsan nakakasakit na arya pa rin.
Eto k'se 'yung pinagpuputok ng butse ko ... kayo nga tanungin ko: Ano ang una'ng lumalabas sa bibig nyo kapag first time nyong nakita ang isang taong matagal nang di nakita tapos napansing n'yong "lumusog" siya? Di ba sinasabi 'nyo: "Ang taba mo!"
Madalas akong victim ng ganyang comment (kelan kaya ako sasabihan ng "ang payat mo!"). Nakaka-offend na pero tila napaka-insensitive ng karamihan ng Pinoy sa ganitong topic. May nakasakay nga ako sa jeep, sabi ng matanda sa batang kasama ng kaibigang nakasakay, "Magpapayat ka na, para ka nang si Dabiana." Mas malala ang mga tirada sa kapatid ko. Naglalakad siya sa kalye, sinigawan sya ng kapit-bahay namin, "Girlie, ang taba mo na. Wala ka ng pag-asa!!!
Ouch!
'Tong mga taong 'to, kung wala rin lang magandang sasabihin sana 'wag na lang mamansin.
The truth hurts!
Thank you
Ilang beses nang nangyayari sa akin. Tatanungin ako kung ano'ng oras na tapos ako namang gaga, kahit preoccupied, sasagot. Ang magaling na nagtanong, pagkasabi ko ng oras, tatalikod nalang at sukat. Minsan sa inis ko, sinabihan ko yung nangtanong ng "thank you" sa pasarkastikong tono. Nagtawanan yung mga nakarinig. (Loko!)
Hoy, mga ungas! Hindi ko obligasyon na magbigay ng oras dahil hindi ako relo ng Manila City Hall!!!
Hay, noypi!
Binalibag Ni Choleng ng 7:13 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin