BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, October 25, 2008
Huling Biyahe
Laking tuwa ko na ginawang hanggang 11 PM ang training imbes na panggabi pero parusa kapag uwian na. Kung hindi rin lang Mannrose Bus ang masasakyan mo, asahan na aabutin ng kalahating oras bago makalabas ng Ayala. Akala kse ng ibang liner, terminal ang tapat ng Stock Exchange (wala bang pang-GY na MAPSA?)
Paborito kong bus
Walang problema ang biyahe mula Crossing hanggang Pasig pero yung huling sakay pauwi (jeep Tipas) ang malaking problema sa akin. Hindi kse 24 hours ang byahe kaya kailangan bago mag-alas dose, nasa Pasig ka na (tsura ni Cinderella) at kung hindi, tricyle ang bagsak mo. Tindi ng pamasahe -- para ka na ring nag-taxi. Singkuwenta pesos! Makahabol ka naman ng jeep, matinding kalbaryo rin dahil bago mapuno, 20 minutes. Makakailang panaginip ka talaga pero tiis lang. Ano'ng gusto ko, P50 o P8.50?
Byaheng Tipas, last trip
Hay, hirap maging anak-pawis!
Binalibag Ni Choleng ng 10:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin