BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, October 15, 2008
Balik Eskuwela
Newbie.
'Yan ang pakiramdam ko pagyapak sa training room kahit maglilimang-taon na ako sa kumpanya. Pa'no ba naman, ni hindi ko alam kung nasaan ang training room, first time kong mag-training after so many years at ang masaklap, 89% ng klase ay magkakakilala na (gaya namin, galing sila sa isa ring natigok na account) so dalawa lang kami'ng bagong-salta. In fairness, madali naman silang makagaanan ng loob dahil makukulit din pero hinahanap-hanap ko rin ang dati kong pamilya. (Choleng, let go)
Ang hirap magsimulang muli.
Di pa naman gaanong seryoso ang training at mas lamang ang "getting to know you" activities pero base sa dami ng modelo ng telepono sa website ng Bistek, madugo ang client specific training sa isang linggo. 'Yun ang talagang nose bleed dahil client mismo ang magte-train at literal na dudugo ang ilong namin panigurado dahil EOP all the way!
From sales to tech support, kaya ba?
Hay, enjoy-in ko muna 'tong charade namin. (Movies ... english ... tagalog ... first word, three syllables)
Binalibag Ni Choleng ng 9:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin