<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, October 12, 2008

Floating and enjoying it
Photobucket
My trusted friend

Negatibo ang dating kapag floating. Ibig sabihin, wala kang account, walang trabaho, tengga.

Nakaka-depress noong una at nakakatakot kse oo nga’t with pay ka sa unang 15 araw eh papaano kung maubos ang 15 glory days na hindi ka mahanapan ng bagong haybol? Eh di lalamunin ang VL’s mo? At paano kung umabot ng isa hanggang dalawang buwan?

Tigok!

Anim na araw na floating, I kind of enjoy it dahil ang dami kong time sa sarili ko, sa family at gawaing-bahay. Ang pangarap kong makahilata at makapanood ng TV ng matagal-tagal, maipasyal sa Jollibee si Jenny, bulabugin ang bahay ng daga at ipis at linisin ang pito’ng electric fan eh natupad din. Naipagawa ko rin ang PC, nasamahan si Mudra sa bangko, palengke at grocery at nakagawa din ako ng madamdaming mga blog. Babalikan ko sana ang di matapos-tapos kong cross stitch na sinimulan ko noong virgin pa ako nang makatanggap ako ng tawag na Monday na ang training ko sa bagong account.

Bad trip! Bitin!!

Oh, well. Some good things really don’t last. Back to reality. Kailangang magtrabaho para wag magmukhang gago.

Bistek, here I come!

Binalibag Ni Choleng ng 7:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com