BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, October 18, 2008
Booooo-bal Phenomenon
October 17 ng umaga, nakatanggap ako ng text:
WATCH A NEW AND UNIQUE GLOBAL PHENOMENON! Coming October 17, 2008, the sun will rise continuously for 36 hours (1 day & a half). During this time, the US and other countries will be dark for 1 day and a half. It will convert 3 days into 2 big days. It will happen once in 2,400 years. We're very lucky to see this. This is a global phenomenon. Courtesy of CNN/BBC NEWS. Mark your calendar now and pass to relative and friends.
Heto na naman po sila.
Sorry pero galit talaga ako sa taong nag-aaksaya ng load at kuryente sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang motibo ng mga gumagawa ng ganitong klaseng kuwento at hindi ko rin alam kung bakit may mga iresponsable at sira-ulong mapaniwalain na nagkakalat. Alam kaya ng gumawa ng istorya na kaya nagkakaroon ng gabi at araw ay dahil umiinog ang mundo sa kanyang axis (elementary pa lang alam na natin yan) at ang tuloy-tuloy na pagsikat ng araw ay hindi maituturing na phenomenon kundi isang catastrophe?
Gabi na. Dakdakan ko lang sa text ang ang nag-forward sa akin.
Apektado?!?
Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin