BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, November 02, 2008
HSM3
Bangenge pa mula sa paglamyerda sa EK, laman naman ako ng sinehan ng Galleria para manood ng House School Musical 3. Iyon eh matapos pa ng 3 PM mass ng Metanoia sa Edsa Shrine (hindi naman masyadong hectic ang schedule ko) Wala eh, can't say no to my movie buddy Jomarie aka SG (Supergirl) saka gusto ko rin namang panoorin ang HSM3.
Ibang klase ang High School Musical. Ito lang yata yung bukod-tanging movie, sa palagay ko, na wala kang itulak-kabigin sa Part 1 at mga sequels. Lahat nagustuhan ko. Ewan ko ba, pare-pareho din naman ang mga tauhan, puro East High School din naman ang setting at konti lang naman ang diperensiya ng plot pero iisa ang effect sa manonood ... feel good, feel light at very entertaining bukod pa sa hindi mapuknat-puknat na kilig factor na hatid ng pa-cute na tambalang Troy-Gabriella.
Isa lang ang mapipintas ko sa High School Musical movies kung pintas ngang matatawag: Bakit laging unang kita pa lang nila sa piyesa, alam na agad nila ang kanta? Galing naman nila!
Gigi-era!
Thanks for the company, SG.
SG, laging walang ganang magpa-picture
Binalibag Ni Choleng ng 8:24 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin