<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, November 01, 2008

Enchanted Undas
Photobucket Umuulan at antok na antok pa pero pinilit kong pumunta ng maaga sa sementeryo. Hindi naman dahil atat akong mangolekta ng tunaw na kandila. May lakad kse ako makapananghalian at ayoko'ng mamarkahan ng "absent" nina "Yayang" at Amang Iloy (lola at lolo ko).

Oo na, undas na undas eh rarampa pero no choice. Yun lang ang araw na swak ang schedule ng Metanoia (choir ko) at sayang naman kung ma-forfeit yung libreng ticket sa Enchanted Kingdom (EK) courtesy of choirmate Lea.

EK never fails to enchant me kahit ilang beses ko nang narating. Maraming nagsasabi di na raw maganda ang Enchanted, kesyo luma na raw, mas maganda ang Star City, mas mura at mas sulit ang bayad pero hindi naman ako partikular sa dami ng rides kundi yung feeling na nararamdaman upon entry.

Presko sa EK, may hatid na kilig ang malamig na ihip ng hangin samantalang sa Star City, hindi ako makahinga kse enclosed tapos amoy sunog na goma pa na humalo sa samyo ng pritong hotdog. Siguro claustrophobic ako pero mas gusto ko talaga ang EK.

Hodge-podge ang entourage. May kasama kaming buntis, bata at meron pang may scolio na hindi gaanong nakapag-rides pero karamihan sa amin, sulit ang bisita. Halos lahat ng rides nasakyan ko puwera Space Shuttle at Jungle Log Jam dahil dinaga ako. Ewan ko ba, mahina ang loob ko dahil siguro sa puyat. Imagine, 5 AM pa lang gising na ako para nga maagang makapunta sa sementeryo.

Enjoy lahat ng rides puwera Rialto. Napakapangit ng featured Lego Racers, The Ride at wish ko lang, i-pullout nila ... now na ... dahil walang kakuwenta-kuwenta! Tama ba namang ang point of view eh nasa movie at hindi sa watchers. Gumagalaw nga ang upuan mo, kaso hindi ka naman kasali sa eksena ... bad trip! Useless ang baon kong jacket sa Rio Grande dahil nabasa pa rin ako. Dapat talaga, kapote na! Okay din ang 4D Theatre although hindi singganda ng Disneyland siguro dahil gasgas na ang mga 4D glasses pero puwede na rin sa halagang P40.

Definitely, babalik ako sa EK. Kailangang i-redeem ko ang sarili ko. Hindi ako duwag, dinaga lang.

Picture! Picture!

Photobucket

EK Entrance

Photobucket

Registration (tagaaaal)

Photobucket

Ang walang kakuwenta-kuwentang Rialto

Photobucket

Anchors Awaaaaay

Photobucket

Basang-basa!

Photobucket

Inside 4D Theatre


Photobucket

Mga isip-bata

Binalibag Ni Choleng ng 8:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com