BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, October 04, 2009
Cheers!
Ngataan imbes na ngawaan ang muling pagkikita ng KOC (Key of C) kanina sa Rob Ortigas. Muntik nang di natuloy, salamat at nakisama si Pepeng Malaki:
Festive mood, daming dahilan para magdiwang. Eto yun:
- Nakaligtas ang lahat sa galit ni Ondoy (well, ako di pa yata ligtas ... sa alipunga!)
- Daming food (sa panahong maraming umaasa sa relief goods, nakakakonsensiya ang bawa't subo.)
- Birthday nina Paeng, Papa Boyet and Mannix.
- Despedida ni Ed (umuwi lang mula SG para matulog sa NAIA, maglusong sa baha at maglimas ng binahang bahay at ipagawa ang lumubog na mga sasakyan)
- Blackbelter na si Micah sa taekwondo gayong Grade 2 pa lang ang inaanak namin ni Jomarie.
- May take out para sa mga nasalanta ng bagyo (salamat naman, purga na kami sa noodles at sardinas! Makakatikim rin ng pasta ang mga sikmura namin!)
Tama na ngang kalokohan, heto na ang ilan sa mga larawan:
Cheers!
Sandamakmak na pagkain ...
... at ang main course ...
Chikahan
Sige na, Ligaya, kaya nating ubusin 'yan ...
Alam ko stolen shot ito. Hindi halata.
Pa'no kaya namin 'to uubusin?
Relief goods ...
.... at ang mga nasalanta ...
Salamat sa lahat ng sponsors. Bonj, hihintayin namin ang pasabog mo pati na rin ng mga may kaarawan ng November ... oops, isa pala ako dun!
Binalibag Ni Choleng ng 10:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin