<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, November 02, 2009

Kuwentong Idol: Rock Photoshoot
Ni sa panaginip, hindi ko inakalang magsusuot ako ng offshoulder black blouse, micromini maong, deadly boots at fishnet pero sa ngalan ng Idol photoshoot, sinikmura ko!

Kung kelan akong tumanda!

Mabuti na lamang at sa PS carpark na lang ginawa ang photoshoot dahil kung nagkataong sa original venue na 6750 Steel Parking, malamang lumubog na ako sa labis na kahihiyan dahil hindi ko talaga kakayaning makita ako ng tao sa nakakapangalisag-balahibo kong attire at ma-expose sa publiko ang nakakaabala at nagmumura kong bilbil, puson at pata.

Matapos ang mahigit isang oras na kapo-pose namin ng ka-vertical kong si Gabriel, kasisipat at kabubulyaw ng photographer, natapos din ang photoshoot. 8 AM nang magsimula kaming mag-ayos, 10 AM na natapos. Mahirap din pala -- nakakapagod at nakakangalay. Ngayon may kakaibang respeto na ako sa mga models at artista.

Di na dapat ako uuwi para makapahinga ng mahaba-haba sa sleep room at makapag-ipon ng lakas bilang paghahanda sa unang araw ng training ko sa Command Center (3 PM) pero napauwi ako dahil kinailangan kong mag-shampoo ng 10 beses yata sa sobrang tigas ng buhok ko mula sa magkahalong gel at wax at para na rin burahin ang nadudugyutan akong black nail polish na nakakulapol sa kuko ko sa kamay!

Pagod mula sa pictorial at kakulangan ng tulog, ilang beses akong nag-headbang sa training. Kakahiya sa bago kong bossing (Sup Dan) pero alam ko ko namang nauunawaan nila. Grabe, simula pa lang ng Idol bangenge na ako. Hanggang kailan kaya ito?

Dahil photoshoot ang title ng entry, heto ang ilan sa mga larawan. Nawa'y huwag mawala ang respeto nyo sa akin kung nirerespeto nyo man ako.

Photobucket

Emote!

Photobucket

Ang pata tim ... este, gitara pala!

Photobucket

Oh no, my nails!

Photobucket

With Gabriel

Photobucket

Mga feeling!

Photobucket

Pic with Travel and Media group

More to come!

P.S.

Special thanks to the following:

... Xiao para sa hair, make-up, nail polish, kakalokang off-shoulder blouse, pamatay na boots at sa walang sawang pagbibigay ng tips kung paano mag-pose (expert eh!)

... Partner Prue of KOC para sa pagpapahiram ng pokpokita maong skirt

... Jai para sa pagpapatayo ng matigas ang ulo'ng buhok ko at sa moral support na rin

... Gabriel para sa pagtitiis sa ilang beses na pagsakal ko sa kanya

... JP para sa belt (ha! ha! ha!)

... 'yung babaeng taga-Zoneriv (sorry, nakalimutan ko ang pangalan) na tumulong din sa pagme-make-up

... Shine para sa moral support (teka, parang di naman para sa akin ang support. Di ba, Gab?)

... SM para sa mahiwagang fishnet

... kay Madam Photographer (di ko nakuha ang pangalan) para sa pagtitiis nya sa katangahan ko sa pag-pose

... JV and Dennard para sa set, industrial fan at sound system. Nagkaroon ng buhay ang photoshoot!

.... sa mga Gardenia na isinaloob na lamang ang panlalait nila at hindi ipinakitang natatawa sila

Salamat sa inyong lahat. Muchas grasas!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com