<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, January 23, 2010

Ay-Max!!!


Ilang linggo nang palabas at nakabili na rin ng DVD copy ang kapatid ko pero hindi ko pa rin pinanood kahit malinaw at may kalakihan din naman ang TV namin. Katwiran ko, ang pelikulang tulad ng Avatar na batbat ng special effects ay nararapat lamang panoorin sa pinakamalaking IMAX sa MOA.

Hay, IMAX. Panahon pa lang ng Superman Returns noong 2006 binalak ko nang manood dito. Mabuti na lamang at matapos ang apat na taon, heto at nakatapak na rin ako kasama ang utol at pamangkin ko. Grabe, may nakakahiya pa'ng nangyari.

Nakadanas din!

Ganito k'se yun.

Galing ako ng shift at napilitang bumangon ng 12:00 ng tanghali para makahabol sa screening. Pagdating sa MOA, nagmeryenda muna k'me sa Jollibee tapos nag-take out ng kape sa Starbucks na natimpla lang namin nang nasa loob na ng IMAX kaya malamig pa sa ilong ng pusa ng mainom.

Anong kinalaman ng kape sa IMAX o sa Avatar? Eto yun.

Manghang-mangha ako sa pelikula. Sobrang laki ng screen kaya feeling mo, bahagi ka ng pelikula. Kakalahatian, nagsimula akong mahilo at mangasim ang sikmura. Kung dahil sa kape o dahil kulang ako sa tulog o sobrang laki ng screen at hindi nakayanan ng mata ko ang mga movements, hindi ko alam. Basta ang alam ko, sukang-suka na ako at feeling ko, "lalabas na" right there and then.

Alam kong nakakadiri pero wala akong choice. Yung baso ko ng kape, itinapat ko sa bibig ko para kung sakaling masuka man ako, may pansalo (yuck!). Awa ng Diyos, hindi naman tumuloy. Natapos at naintindihan ko naman ang pelikula habang pasimple akong duduwal-duwal.

Walang 3D glass yung camera kaya blurred ang shot

Palabas ng IMAX

Paglabas ng IMAX, takbo ako agad sa CR. 'Yun palang LBM at masusuka, pareho lang ng pakiramdam. Gusto mo'ng ilabas agad at ganun nga ang nangyari nang mapasok ako sa cubicle. Lahat ng kinain at ininom ko mula kagabi, labas. Kadiri talaga pero ano'ng magagawa ko, nangyari na.

Hinang-hina at mahilo-hilo ako pagkatapos. Feeling ko walang kalaman-laman ang tiyan ko kaya nag-dinner na k'me sa ChowKing. Medyo gumanda ang pakiramdam ko nang malamnan ang tiyan ko pero matapos ang ilang minuto ... nakupo, nahihilo at feeling masusuka na naman ako kahit hanggang pag-uwi.

Uulit pa ako sa IMAX? Oo naman pero sisiguruhin ko na kumpleto ang tulog ko at hindi na ako iinom ng mamahaling kape.

Gwark!

Binalibag Ni Choleng ng 9:02 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com