Gaya ng napagkasunduan, 12 NN, gagala-gala na kami ni Anz sa PS. Wala pa si Gab (as usual) kaya nagnenok na lang kami ng Chowking Lauriat sa Command Center (dami k'seng extra, pakain ng PS sa mga naka-duty ng New Year ... bakit, naka-duty naman kami ah?)
Saktong binabanatan na namin ang Happy meal ... este, lauriat, dumating si Gab, pinasalo na namin sa instant piging. Makakain, sinimulan na namin ang practice sa 3/F conference room (the official Idol room) at bandang 5:00 PM ay lulan na kami ng taxi kasama si Jayvee dahil kailangang 6 PM, nasa Shangri-la Hotel na raw.
At the Shang
Practice session (Weh!)
Maaga pa kami sa venue kaya maraming oras para mag-practice (dun k'me pinatambay sa Paranaque Room), humilata, mag-ikot-ikot sa hotel at maglaro (english ang salita kapag nakatapak sa carpet, tagalog kapag tiles -- sira ka talaga, Anz!). Mukhang matatagalan pang i-serve ang dinner at mukhang walang Pinoy Food sa sa menu (syempre, Indian ang may birthday) kaya nagpaalam kaming tatlo kay Jayvee at nag-quick dinner sa Jollibee Landmark. Pagbalik ng mga 8:00 PM, nagsimula na kaming mag-ayos (yes, kanya-kanya kaming ayos) pero mga bandang 9:00 pa kami ipinatawag.
Medyo nakakakaba dahil puro Indian ang nasa okasyon except Bong Borja, si Jayvee, si Iggy Boy na photographer, as usual, at saka yung tarot card reader na nakalimutan ko ang pangalan. Ay, meron nga palang string quartet pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maki-jamming sa kanila dahil tinawag kami nung break nila.
Bago kami sumalang nina Anz at Gab, nag-request pa si COO Rajiv na puro 60's or 70's ang kantahin namin, yung mga Engelbert Humperdinck daw ... nanangkupow! Sana sina Pilita Corrales at Diomedes Maturan ang inimbitahan nila! Anyway, kanta na rin. Wala naman silang magagawa kung hindi mula sa dekadang gusto nila ang repertoire.
Ako ang unang performer. Force of habit at gawa na rin ng katabilan ko, medyo may speech pa ako ng konti sa simula, 'yung mga effect na sana magustuhan nila ang kanta namin, batiin ng Happy Birthday ang may kaarawan pero dahil di ko nga ka-close yung may birthday, nasabi ko ba namang "Happy Birthday, Mister Manju" yata yun ... huli na nang maalala kong babae nga pala yung may birthday kaya bawi ako agad ng "Miss Manju" Ha! Ha! Nagsalita pa k'se, sana kumanta na lang.
Ang usapan, salitan kami ni Anz ng pagkanta tapos ending yung duet. Ang kaso, pagkakanta ko ng Inseparable at aktong bababa na ng stage, sumigaw yung one-of-the-owners-of-Essar ng "one more!" Eh di balik stage ako. Ang Gab, di tumitigil ng pagtikla sa piano, akala ko naman segue na yun sa second song ko na Fallin so may-I-humming na ako. Ang Gab, tumitigil ng pagtugtog at ang sabi, "What's that song again?" or something to that effect.
With Gab
Serious kunwari si Choleng
Ha! Ha! Blooper na naman pero deadma, matapos kong sabihing yung second song (EOP ha, sabagay nakatapak naman kami sa carpet!) nakanta naman ng maayos ang Fallin (as usual, medyo nakalimutan ko ang lyrics pero nalusutan naman).
Matapos kong kumanta, ipinakilala ko naman si Anz (ang asim, may taga-introduce pa!) Suwabe at maganda ang pagkakakanta niya ng The Way You Look Tonight at No One Else Comes Close. Habang kumakanta si Anz, doon ako pinaupo sa table ng pamilya ni COO Rajiv. Chinika ako ng asawa nya, tinanong kung may formal training daw ba ako dahil plano n'yang paturuan ang anak nya. Sabi ko wala, inborn lang. Gusto ko sanang sabihin, "Genes, pare!" kaya lang baka sabuyan ako ng melon juice. Ihanap ko raw ang tutor ang anak nya, somebody from Makati at willing na magturo sa bahay nila (in EOP malamang ... nose bleed!) Sabi ko, oo. Si Jas na yun! (Jas Calpito, APS Idol 2008)
Anz and Gab
The Prince of Darkness ... este, Soul
Nang matapos si Anz, muli akong umakyat sa stage para kantahin ang inihanda naming duet, pero bago 'yun, ipinakilala ko muna si Gab sa audience at sinabing isa rin sya sa mga Idols (baka akalain nila pianista lang na just-just). Pagkakanta namin, lapitan ang mag-asawa ni Rajiv pati na ang taga-Essar at ang asawang may kaarawan saka familiar faces na nagwo-work sa APS. Ang galing daw namin, kung kinakanta daw ba namin ang ganito ... wow, feeling artista kami.
Sa sobrang tuwa ni Rajiv, ini-announce sa party na gagawaran n'ya kaming tatlo ng P100,000 educational fund para sa enhancement ng talent namin. Tuwang-tuwa kaming tatlo, lalo na si Gab na nawala ang antok at pagod dahil sa narinig na balita.
With the birthday celebrator and Mr. Essar
Matapos kaming pagkaguluhan (naks!) at sandaling kodakan, balik kami sa Paranaque Room para mag-dinner. Tamang nag-Jollibee na kami dahil Indian cuisine nga ang menu. Wala akong nakain kundi mga fruits at dessert.
Cheers!
Main course
Maasim?
Maasim nga!
Etong gusto ko ...
Saka eto ...
Maghubad tayo ng shoes habang kumakain, why not?
Hay, past 12 midnight na ako nakauwi ng bahay. Imagine, ang halos kalahati ng aking New Year ay ginugol ko sa piling ng mga Idols at Jai Ho community? Ang taun-taong New Year's Party kasama ang pamilya ay ni hindi ko nasilip?
Na-miss ko 'to!
Tsk ... tsk ... tsk ... ganun talaga. Part and parcel 'yan ng pagiging APS Idol. I just have to deal with it. Anyway, 100K divided by three.
Wow!!!