<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, December 19, 2009

Kuwentong Idol: Miracle for Miracles


Nabanggit ko na sasama sana si Gab sa band rehearsal pero hindi natuloy dahil sa maling akala.

Ganito k'se yun. Nang banggitin sa Top 3 Meeting na live band ang tutugtog, ang pagkakaintindi ko eh aakumpanyahan nila lahat ang kakantahin mula sa Judge's Choice, collaboration song (Taking Chances) hanggang sa common song (Time for Miracles). Kailangan lang mag-submit ng study tape para sa unang dalawang kanta at kanya-kanya naman ng arrangement para sa common song na ipapaliwanag na lang namin sa banda sa araw ng rehearsal.

Done. December 8 bago mag-Mafia photoshoot, iniwan ko sa front desk ang study tape ng Time and Tide tapos unang linggo pa lang ng December, nagawan na ng arrangement ni Gab ang Time for Miracles na siya mismo ang papalo ng drums. Okay lang naman daw yun ayon kay JV basta same Idol rule applies for live accompaniment -- limited to 2 instrumentalists. 'Di ko binigyang-pansin ang sinabi ni JV dahil sobra akong na-focus sa drama ng idea na si Gab ang nag-arrange at siya ring papalo ng drums kasama ng banda. Tech and Telco at its finest baga. Astig!

Dang! Maling akala. Hindi ko alam kung naka-drugs ako during the meeting, tuliro o not paying attention, nagkamali pala ako ng intindi. Judge's Choice at Taking Chances lang pala ang tutugtugan ng banda. Yung Time for Miracles, kanya-kanyang arrangement at accompaniment! Saklap, ilang araw na lang bago mag-finals ko nalaman (during the photoshoot yata) -- kung kailan busy na kami sa Idol rehearsals pati na rin sa Idols production number.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano na? Ano na ngayon ang gagawin ko? Inalok ni Anz na gamitin ko ang Minus One n'ya pero gusto kong ma-execute ang arrangement ni Gab pero sa tulong din n'ya.

Nakakahiya man, inamin ko kay Gab ang pagkakamali ko (sige na nga, katangahan!) sabay harass na kailangan n'ya akong tulungang gumawa ng Minus One dahil hindi bagay na gamitin ko ang mismong Minus One dahil hindi naman ako isang Adam Lambert. Nakita ko ang hesitation sa mukha n'ya, yung gustong tumanggi pero hindi makatanggi at ipinaliwanag naman n'ya kung bakit -- ayaw n'yang mag-commit sa isang bagay na hindi niya kakayanin pero tinanong nya ako kung kaya ko na ma-practice ang kanta kahit Monday o Tuesday na n'ya maibigay ang finished product (mga 3 days before D-Day). Oo, oo, oo, sagot ko. Kaya ko kahit a day before the performance basta sure lang na may gagamitin ako. Sige raw, gagawin n'ya pero yung sige na galing sa ilong. :-)

Contingency measure. Muli kong nilapitan si Dawnwell ng Apathy, dati kong ka-Bistek at minsan ko nang pinakiusapang tugtugan ako during Unity for a Cause night. 'Di nag-materialize the last time, next time na lang daw. Baka-sakaling ito yung 'next time.' Ipinaliwanag ko na kausap ko na si Gab pero just in case hindi makayanan ng isa (busy rin k'se sa school), aralin na n'ya ang kanta para sa isang Acoustic version ng Time for Miracles.

Linggo, December 13. May practice ang idols pero di naka-attend si Gab. Tinext ko, tinawagan ko, para tanungin ang progress ng minus one pero di ko ma-contact. Tinambangan ko ang ungas sa Facebook, ayun nasakote ko. Lowbatt daw ang cellphone kaya walang na-receive na text. (Weh!) From Facebook, lipat kami sa YM para mahabang chikahan. Nasira daw ang software na gagamitin sa paglikha ng minus one pero that same night, suwerteng gumana kaya Tuesday, naibigay na niya sa akin ang 'kontrabando.' Sinabihan ko si Dawnwell na okay na. Ayos na. Hindi pa rin ito yung 'next time' na hinihintay namin.

Maganda. Malungkot at misteryoso ang piano part sa simula sabay singit ng chorus part mula sa original minus one tapos balik sa malungkot at misteryoso'ng piano and strings sa bandang dulo. Well done, Gab.

Akala nyo tapos na? Hindi pa. Nung isa-submit ko na kay JV ang minus one, napansin kong WAV file pala. Ilang software na ang ginamit namin para ma-convert sa MP3 pero ayaw talaga. Sino'ng tumulong mag-convert? Tama, si Gab pa rin! Sus, dami ko ng abala talaga.

Nakakatuwang Miyerkules pa lang ay hawak ko na ang minus one pero hindi ko pa rin gaanong na-practice. Sabagay, pare-pareho kami nina Chie at Anz gawa ng araw-araw na rehearsal ng Idols production number pati na rin band rehearsal with Silk. Hala, mas napa-practice pa namin ang ang Judge's Choice, Taking Chances pati na rin ang Don't Stop Believin', I've Got A Feelin' at Grown Up Christmas List.

Hay, we need Miracle for Miracles!

Linggo ng umaga, kahit pagod mula sa Christmas Party ng Command Center, bumangon ako para mag-practice.

Photobucket

Time for Miracles rehearsal

Ito ang tinatawag na cramming pero walang magagawa. Hectic talaga. Nawa'y mabigyan ko ng hustisya ang arrangement ni Gab. Kailangan dahil pinagpaguran n'ya ito.

Binalibag Ni Choleng ng 11:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com