<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Tuesday, December 01, 2009

Kuwentong Idol: Top 3 Meeting
Photobucket

Ang alam ko tapos na ang Idol meeting kaninang 7 AM at hinihintay ko na lang na i-relay sa akin Xiao ang naging kaganapan.

Laking gulat ko nang i-text ako ni Chie at maya-maya pa'y sinundo na ako sa Command Center dahil ako na lang pala ang wala sa meeting. Nagkaroon pala ng kalituhan sa oras ng invite (CST k'se ang outlook), hindi naman nila ma-contact si manager Xiao kaya ako na lang ang dumalo. Inabutan ko sa Makati Room si JV, dalawang managers ni Chie (Andrew and Yvette -- full force!) at manager ni Anz (si Vince). Wala si chicken.

Heto ang mga napag-usapan:

Song Selection

* Ini-announce ang Judges’ Choice: Healing by Deniece Williams kay Chie courtesy of Henry; Pride by U2 para kay Anz bigay ni Prof at Time and Tide ni Basyang sa akin mula kay Orly. Live band ang tutugtog pero kailangang mai-submit ang study materials bago mag-December 8 (walang katapusang deadline)

* Time for Miracles
ni Adam Lambert ang Common Song. Bago pa magsimula ang fourth elimination eh sinabihan na ako ni Xiao na pag-aralan ang kanta (assumptive! parang alam nang papasok sa finals!) at unang dinig pa lang sa kanta, alam kong mahihirapan kami dahil alanganin ang pitch. Sobrang taas para sa lalake at alanganing mataas na mababa para naman sa babae. Ibang klase talaga ang becky na 'to.

* Maliban sa naunang dalawang kanta, magkakaroon din kaming tatlo ng isang production number a la Back-to-Back-to-Back. Unang iminungkahi ang The World’s Greatest ni R Kelly (kasabayan ng Time for Miracles) pero napangitan ako, ganun din si Chie. Nag-suggest ng isa pang kanta si JV: Taking Chances by Celine Dion. Binigyan kami ng hanggang Biyernes, December 4, 11 PM para bumoto. Yung magiging hatian ng kanta, bahala na lang kaming tatlo.

Band Rehearsals

Na-excite kami dahil live band ang tutugtog at hindi lang pipitsuging banda - tumutugtog sa Hard Rock! May rehearsal kami sa kanila sa December 17 - 10AM onwards saka December 19, 2009, 10AM - 1PM. Astig!

Photoshoot

Sa December 9 naman ang Top 3 photoshoot sa MD Conference Room, 10AM – 1AM. Mafia o gangster ang theme at kailangang may something RED sa attire. Speaking of attire, maghanda raw ng tatlong costume change sa finals -- isa para sa Judge's Choice; isa para sa Common Song at jeans and shirt naman para sa production number

Hay! Isipin ko pa lang ang mga activities at mga kailangang ihanda, nahihilo na ako. Nakupow! huwag sanang bumigay ang katawang-lupa naming tatlo.

Binalibag Ni Choleng ng 7:39 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com