<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 26, 2009

Kuwentong Idol: Music Influence
Stress. Pressure. Haggardness.

Miyerkules na pero wala pa rin akong Minus One ng Neither One of Us ni Gladys Knight -- kung kailan pa naman mas maaga ng isang araw ang Idol gawa ng Thanksgiving sa States. Inakala kong madali lang hanapin dahil sikat na karaoke song pero nagkamali ako. Naghanap na kami ng kapatid ko online kagabi pero kahit sa YouTube wala. Last day ko nang pang-umaga, nagpasya akong suyurin ang malls. Sa dinami-dami ba naman ng malls sa Ayala, kapag wala akong nakita, ewan ko na lang.

Nagkamali ako.

Nang wala akong nakita sa tatlong record bars sa SM Makati, nagsimula nang gumuho ang pag-asa ko at lalo pang gumuho nang wala rin akong nakita sa Glorietta at kahit sa Landmark pa. Ang sakit-sakit na ng paa ko (3 inches ang takong ng clogs ko ... waah! ba't ba ito pa ang naisuot ko?) pero no choice, napagpasiyahan kong pumunta sa Megamall dahil natatandaan ko'ng may sinabi ang ka-choir ko na may booth sa basement na pwedeng magpa-record ng hard to find songs.

Sinagasa ko ang init, nakipagsiksikan at nakipagpalitan ng mukha sa MRT makapunta lang sa Megamall. Christmas rush pero iba ang rush ko. Saklap, wala na pala yung store na hinahanap ko. Nag-text ako kay JV, yung idol organizer, kung hanggang ano'ng oras ang deadline kung magpapalit ako ng kanta. Aba, kailangan may alternative just in case wala akong makita. I have until 10 PM daw, yung minus one puwedeng hanggang bukas ng 10 AM. Okay, hanap-hanap. Mangiyak-ngiyak na ako sa pagod at sakit ng paa, nakailang-record bar ako sa Megamall pero wala talaga.

Bandang 8:30, sa sobrang pagod at sama ng loob, sumuko na ako at nagpasya'ng umuwi at Inseparable na lang ni Natalie Cole ang ipalit (may nakita ako'ng minus one). Nasa Building B na ako nang tawagan ni Chummy, 'yung co-RTA ko. Kinumusta kung may nakita na ako. Nang sinabi ko'ng wala, nagtatalak at sinabing hindi puwedeng wala ... too late na para magpalit ng kanta ... imposible'ng wala dahil na-google n'ya. Nasa Pinoy Pop SuperStar Grand Contender's album Volume 2, kulay brown cover. Kahit nanghihina na at feeling ko namamaga na ang paa ko sa sakit, muli akong umakyat at pinasok ang unang record bar na nadaanan (AstroVision) at tama si Chummy. Meron nga! (Chummy, you're my life saver!) To cut ang long story short, napakinggan ko ang minus one at nakapag-text kay JV na hindi na ako magpapalit ng kanta bago mag-10 PM. Photo finish!

Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko! Wala nga'ng problema sa damit at sapatos pero sa hair and make-up naman ako na-stress dahil na-late ng dating si Xiao (inasikaso pa ang anak) kaya 6 PM na, mukha pa akong pindangga. Mabuti na lang at may mga naka-overtime na email team ng Bistek na siyang nagtulong-tulong na masilyahan at ayusin ang pagmumukha ko kaya buhok na lang ang inayos ni Xiao pagdating. Jane, Marcia, Ging at sa lahat ng email team, you saved my ass! (my face dapat, di ba?)

Bagama't under stress at pressure at ilang minuto bago call time ay nagtatakbo ako mula 5/F hanggang Boracay Room in heels, nakakanta naman ako ng maayos at magaganda ang reviews ng judges: I did very well, ayon ay Prof, at natuwa na tuwing elimination ay ipinapakita ko ang iba't-ibang facet ng aking boses. "You will make it to the grand finals," sabi pa nya; parang si Gladys Knight lang daw ang naririnig ni Orly tuwing hini-hit ko ang low notes. Halloween special, biro nya; best singing performance naman, ayon kay Henry.


Hindi nga nagkamali si Prof. Pasok nga ako sa finals kasama sina Anz (yung sobrang dulas at kinis mag-R&B at tinatawag ko'ng 'chicken' dahil siya ang bet kong manalo) at si Chie (yung girl na nabanggit ko sa Meet and Greet na naka-pony tail ang mahaba at kulot na buhok na powerful at mataas ang boses), pero hindi lang basta pasok -- Top 1 pa raw ako sa 4th and final elimination, ayon kay Xiao and Chummy na nasilip yata ang score card (amf!)

Tama ang hinala ko na kami ang magkakaharap-harap sa finals.


Gaya ng nakagawian, meeting pagkatapos ng idol. Muling nagbigay ng additional comments, tips at recommendations ang mga judges. Best vocals daw ayon kay Henry pero tila sobrang nadala ako ng kanta kaya parang kumakanta ako para sa sarili at hindi para sa mga manonood; para naman daw akong si Vice Ganda kung maglakad, sabi ni Orly; payo naman ni Prof, wala na akong kailangang baguhin sa voice ko. Okay na ang quality, I just have to work on my stage presence.

Bago maghiwa-hiwalay, nagpalabunutan para sa Judge's Choice para malaman kung sino'ng judge ang magbibigay ng kanta sa amin. Nabunot ko ang numero uno kong laitera na si Judge Orly, si Prof kay Anz at si Henry naman kay Chie. Binigyan kami ng 5 minutes para makipag-usap sa judge pero kami ni Orly, limang segundo lang yata.

Tanong ni Orly, "Di ko alam kung kaya mo 'to... alam mo ba yung Time and Tide ni Basia?"

Kunwari hindi ko alam at kunwari hindi ko na dati pa itong kinakanta, isang kiming "oo" ang isinagot ko. Yun lang. Pride ang binigay ni Prof kay Anz, original ng U2 pero may cover si John Legend, samantalang walang saradong napagkasunduan sina Henry at Chie. Magte-text-text na lang.

So kaming tatlo sa finals. Sino kaya ang tatanghaling PS Idol sa amin? Hirap hulaan, pare-parehong magagaling!

Pero si Anz pa rin ang chicken ko!

Heto ang ilan sa mga larawan courtesy of Iggy and my sister Girlie:

Photobucket
4th elims teaser

Photobucket

Anxious Top 6

Photobucket

Interview portion

Photobucket

Top 3 revealed

Photobucket

Last in

Photobucket

Top 3 teaser

Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com