<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, November 13, 2009

Kuwentong Idol: Unity for a Cause
Photobucket
Denn for a cause

Malaki ang problema ko.

Oo nga't tila plantsado na ang lahat para sa ikalawang elimination round. Linggo pa lang ay meron na akong isusuot na gown at napagdesisyunan ko'ng Somewhere in Barang ang kantahin at madali namang nakakuha ng accompaniment nito pero nanlumo ako ng nang mapakinggan ang karaoke VCD. Bukod sa mataas ang pitch (panay ang palatak ni ina habang nagpa-practice ako ... sabit daw!), sobrang haba pa ng intro ... 1 minute and 20 seconds! Ano ang gagawin ko sa ganoong kahabang gap? Mag-i-interpretative dance, tumula ng Trees ni Joyce Kilmer o magsaboy ng bulaklak mula sa basket a la flower girl?

Isang solusyon ang naisip ko. Acoustic accompaniment mala-Lea Salonga sa Someone to Watch Over Me. Martes, kinausap ko ang ka-Bistek na si Dawnwell na isang mabangis na gitarista kung kaya n'ya akong akompanyahan. Hindi muna nag-commit kundi sinabing pakikinggan muna nya ang kanta na nauunawaan ko naman dahil hindi n'ya ito genre -- isa siyang rakista pero dahil magaling naman, umaasa akong kakayanin. Malalaman ko raw bago mag-Huwebes kung kaya.

Sa kasamaang-palad, hindi kinaya ng powers kaya paggising ko ng Huwebes ng hapon, sinimulan ko ng mag-practice gamit ang VCD. Sinikap kong gawan ng palusot ang matataas na notes gamit ang pandarayang itinuro sa choir at mukhang epektibo naman dahil sabi ng mga miron sa bahay, mas maganda ang pagkakakanta ko rito kumpara sa Help. Bahala na yung mahabang intro.

Hay, naku! Sayang lang pala ang pamomroblema ko dahil nang mag-sound check (oo, may sound check na para makasiguro ang Idol committee na di na maulit yung nangyari last week na may mga nag-take 2), nagawan ng paraan ng technical team na putulin ang intro dahil merong counter yung player. Yun naman pala eh!

Ayos naman ang pagkakakanta ko although alam kong may mga lugar na nabasag ang falsetto ko lalo na sa huling bahagi dahil sa tindi ng kabog ng dibdib ko pero maganda naman ang reviews na nakuha ko. Akala raw ni Judge Henry narinig na n'ya ang pinakamagaling na boses pero nagkamali sya (wow!). Ayon naman kay Prof, alam ko raw ang limitasyon at kakayahan ng boses ko -- tough song ang Somewhere pero nalusutan ko. Mukha naman daw akong principal maglakad, sabi ni Judge Orly at komento naman ng mga katropa, mukha raw akong Imelda Marcos sa gown pero ano'ng magagawa ko? Wala naman akong karapatang magpa-sexy at magpakita ng braso!

Hindi man ako gaanong natuwa sa performance ko dahil sa palagay ko eh "I could have done better," wika ko nga kay Brett (yes, nanood na naman sila ni Ray. Cool talaga ang Bistek clients!) pero sapat na yun para mapasama sa Top 3 along with Chie (na naman!) at Gab (na naman! sobra ka na, ha!) Bagama't ayon sa mga judges ay magagaling ang performance ng 13 kalahok sa gabing ito -- higit na maganda kaysa Classic R&R week, sa kasamaang palad ay apat ang natanggal dahil walang naganap na elimination noong nakaraang linggo -- sina Kim, Bryan, Jomar at Roel. Hay, kakalungkot pero at least, tapos na ang kangaragan nila!

Mga awitin mula sa taong napasok sa PS ang theme next week. Wala ng gaanong problema dahil pumayag na si Gab na tugtugan ako. Schedule na lang ng rehearsal ang kailangang plantsahin.

Sana hindi kami matsugi.

Heto ang ilan sa mga larawan. Karamihan ay mula kay Iggy Boy (thank you!):

Photobucket

Imeldific

Photobucket

Make-over with Xiao

Photobucket

Finished product

Photobucket

Team T&T

Photobucket

Team to beat -- T&T!

Photobucket

Judge Henry

Photobucket

Judge Orly

Photobucket

Prof

Photobucket

Belting it out

Photobucket

Jayeeeem and Love, thanks for the support!

Photobucket

Bistek peeps

Photobucket

Pa-sweet

Photobucket

Top 9

Photobucket

Second Elims result

Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com