<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 05, 2009

Kuwentong Idol: First Teaser
Ayan na, pormal nang ipinakilala sa madlang PS ang 13 Idol hopefuls:


Photobucket

First teaser

Bago pa man magsimula ang unang elimination, pinag-submit na kami'ng mga kalahok ng kakantahin para sa apat na eliminations dahil unahan ang song reservation -- as in kapag may nauna nang magpa-reserve, hindi mo na puwedeng kantahin.

Saklap!

Tatlong kanta kada elimination week ang puwedeng i-reserve pero para sa unang elimination na Classic Rock and Roll, isa lang ang ipinadala ko dahil confident ako na walang kakanta ng Help, isang awiting pinasikat ng Beatles at ni-revive ni Tina Turner at John Farhamn. ('wag nyo nang tanungin kung bakit ako confident, magkakabulatlatan na naman ng edad!)

Para sa ikatlong elimination na Songs from the year hired in APS, tinulungan ako'ng magsaliksik ng mga kasamahan ko sa Eyab. Inilista ko ang If I Ain't Got You ni Alicia Keys at Wake Me Up Inside ni Evanescense although mas gusto ko ang kay Alicia.

Hindi rin ako nagkaproblema sa Musical Influences dahil kahit sinong black singer, pwede. Napili ko ang Neither One of Us ni Gladys Knight dahil kabisado ko na 'to at plakadong-plakado dahil matagal ko nang kinakanta at sa pagkakatanda ko eh naging line-up pa ng sinalihan kong banda na nilayasan ko rin dahil hindi ako pinayagan ni ama na mag-Japan ... hahaha!!!

Sa Unity for a Cause ako lubhang nahirapan dahil wala akong maisip na kanta. Actually, ang dami'ng naiisip -- What's Going On ni Cyndi Lauper at Harvest for the World ng Isley Brothers? Iminungkahi ni Jai ang Change the World ni Eric Clapton pero tingin ko hindi angkop dahil love song naman. Maraming kanta ni Michael Jackson ang binanggit ng mga amuyong pero dami namang kabisahin, wala na akong oras bukod pa sa memory gap ko. Sabi ni Xiao, pag wala akong naisip, The Greatest Love of All na lang daw. Bandang huli, mula sa pagtulog, napabangon ako at biglang naisip ang awitin mula sa play na West Side Story, ang Somewhere. Bingo! Somewhere ang itinala ko saka What's Going On.

Ngayong nai-submit na ang song reservation, isang million dollar question na sa tingin ko ay katanungan din ng 12 Idol wannabes: Umabot pa kaya ako hanggang sa ika-apat na linggo at makanta ang Judge's Choice at Common Song sa Yearend Party?

Sana naman dahil ang laki na ng pagod, hirap at puyat ko pati na rin ng mga sumusuporta sa akin. Hay, pati training ko sa Command Center hindi ko tuloy matutukan!

Binalibag Ni Choleng ng 8:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com