BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, November 20, 2009
Kuwentong Idol: Songs from the year hired in APS
Gandang idea raw ang pagsasanib namin. Imagine, parehong nasa Top 3, magkasangga. Team work at it's finest, wika nga.
Salamat sa pagiging matulungin ni Gab.
Kakahiya nga k'se busy na nga sa school at medyo komplikado ang rendition ni Gab ng Poker Face(maraming gadgets na involved) pero buong-puso pa rin niya akong tinulungan. Bukod tuloy sa gagamitin n'yang electric guitar at megaphone, binitbit pa rin nya ang keyboard. 6 AM ang pasok ko pero 5 AM pa lang, nasa Zoneriv na ako para sa rehearsal. Salamat at pumayag ang iri-relieve ko'ng si Wea na maghintay sakaling mag-overtime ang rehearsal (na siya ngang nangyari!)
Talaga namang bumabaha ng assistance dahil present sa rehearsal si Troy (trainer ng Zoneriv) para magbigay ng pointers. Laking tulong ang iminungkahi n'ya sa akin na medyo ibahin ang atake sa If I Ain't Got You dahil halos magkaboses na raw kami ni Alicia (naaaks!) at baka masabihan ako ng judges na copy cat. Hindi naman maganda ang timpla ng boses ni Gab kaya hirap na abutin ang highest part ng Poker Face (can't read my ... can't read my ...)
Nagbunga naman ang mga pagsunod ko sa mga tips ni Troy. Pasok ako sa Top 6 pero kakaloka ang nangyari kay Gab. Oo, si Gab na dalawang linggong kasama sa Top 3, ligwak!
Kakaiba ang style ng announcement ngayong ikatlong linggo. Lahat ng contestants ay inabutan ng brown envelope. 'Pag may lamang smiley, pasok ka pa; pag big smiley, kasama ka sa Top 3 pero pag walang laman ... out!
Para akong binuhusan ng yelo nang malaman kong walang laman ang envelope ni Gab. Nagkatinginan na nga lang kami ng katabi kong si Anz (siya yung maliit na guy na nabanggit ko dati na sobrang dulas at kinis mag-R&B ) sabay tanong ng bakit??? Nakakagulat dahil bagamat hindi kagandahan ang vocals ni Gab (kasalanan ng mint!), busog naman sa stage presence and besides, hindi pa siya dapat natanggal dahil meron pa'ng mas malala (I won't name names, baka magtampo!). Hindi k'se nagustuhan ng judges (naguluhan yata) ang pag-focus niya sa effects at hindi sa vocals.
Nagtaka rin ako kung bakit maliit na smiley ang nakuha ko, kung kailan pa naman confident ako na makakasama ako sa Top 3! Noong una, hindi ko maintindihan ang mga judges. Sabi ni Prof, among the performances, he liked mine, although awkward ang movement ko sa stage. Exceptional daw ang performance ko, sabi ni Judge Henry, best vocals, dagdag pa n'ya although I need to work on my stage presence.
Gusto pala nila ako, bakit maliit na smiley ang nakuha ko?
Hindi ako makapaniwala na ang di-gaanong kumplikadong Tell me Your Name ay big smiley-material kumpara sa makalaglag-matres na If I Ain't Got You pero nang i-review ko ang performance ko, naunawaan ko ang mga judges. Kulang na kulang nga ako sa stage presence, may isang part na offkey, panay ang lingon ko kay Gab at tama si Judge Orly: mukha akong matanda! Bagama't disappointed ako, may isang nakaka-touch na pangyayari. Nilapitan ba naman ako ni Kiko (trainer s'ya at isa sa mga committee ng Idol) na mukha ring disappointed katulad ko at binulungan na “for me, you’re #1.” Later on, inabutan n'ya ako ng bond paper na may nakaguhit na malaking smiley. I deserve it daw. Too bad he’s not the judge… hehehe ….
Hay, ngayong pasok ako sa Top 6, hina-harass ako ni Xiao. Kailangang umabot daw ako sa finals dahil malaki na ang hirap n'ya sa Idol ... ano raw ang kakantahin ko sa 4th elimination ... kailangang mag-practice daw ako araw-araw dahil hindi pa s'ya sawang dumalo sa mga Idol meetings. Hay, gagawin ko ang lahat pero ito lang ang masasabi ko: hirap talaga ng competition because you’re at the mercy of the judges.
Bahala na.
Sobrang stress! Ako na lang ang natitirang manok ng Tech and Telco. Plano pa naman namin ni Gab na umabot hanggang finals. Oh, well. Bago kami naghiwalay ni Gab, sinabi n'ya sa akin na kung kailangan ko'ng muli ng tulong n'ya, sabihin ko lang. Hay, talagang he's the brother I wish I have.
May your tribe increase, Gab. Para sa akin, ikaw ang tunay na idol!
Heto ang ilan sa mga larawan, courtesy of Iggy Boy again: