BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, November 21, 2009
New Moon Gaga
Pila sa G4 takilya
Kahit sobrang ngarag sa Idol, naisingit ko pa rin ang panood ng sine. Parang consolation na rin sa sarili dahil isang elimination na naman ang nalusutan ko and besides, palalampasin ko ba naman ang isang Edward Cullen?
Mabuti na lang at pang-umaga ako kaya nakapag-advance booking sa Glorietta. Akalain n'yong Wednesday pa lang pero nakuha na agad ang best seats para sa 4:30 screening ng Saturday! Good move dahil di mahulugang-karayom ang tao sa G4. Parang may rally! Susme, much-awaited at expected na blockbuster ang New Moon, parang suicide yata yung pipila ka pa ng mahaba bago makapanood. Sa tulad kong hectic ang schedule at sobrang stressed-out, di ko na kakayanin.
Para sa mga hindi tagasubaybay ng Twilight Saga, masasabing napakababaw ng plot, walang kuwenta ang pelikula at maiinis pa kung bakit title pa lang ng movie ang ipinakita sa screen eh sigawan na ang tao o kung bakit may impit na tili (na may kasamang kilig) sa mga eksenang magkasama sina Edward at Bella, malakas na tili tuwing ipapakita si Jacob at mas malakas na tilian nang hawakan ni Bella ang 6-pack ni Jacob pero para sa mga fanatic na katulad ko, normal na reaksiyon lang. (pero di ako sumisigaw kay Jacob ha!)
Tama ang desisyon na dagdagan ang eksena ni Edward. Halos hindi ko naramdaman ang pagkawala n'ya di tulad sa libro na sa sobrang inip, ilang ulit ko'ng pinintahan kung saang chapter siya muling magpapakita.
Natawa ako sa ending ng movie -- actually, sa manonood ako natawa. Sigurado akong alam naman ng karamihan kung ano ang ending sa libro pero sigawan pa rin nang sabihin ni Edward kay Bella na, "Marry me." OA!
Sulit ang bayad (walang kokontra!) Can't wait for Eclipse!
Binalibag Ni Choleng ng 7:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin