<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, December 09, 2009

Kuwentong Idol: Mafia Photoshoot
10 AM ang photoshoot at dahil galing pa ako ng shift, pinayuhan ako ng mga beauty experts na dampian ng yelo ang mukha para bumuka ng pores (di ko alam yun, ah!). Wala akong nahagilap na yelo kaya malamig na tubig na lang ang ipinalit ko.

Halos isang batalyon naman ang nag-make up sa akin (hirap talaga ng di-kagandahan!) Imagine, may Xiao na, Berniejane and Momsy (yes, sangkot na naman ang email team ng Bistek) may manager Irish pa plus Kea.

Saktong 10 AM, nasa MD conference room na kami. Mafia outfit daw with touch of red. Lipstick dapat ang plano kong touch of red pero wala raw dating kaya naging fedora na nabili ko sa kapapabalik-balik sa Landmark at SM Makati kahapon. Umani naman ng papuri ang tila black jumper ko na sa totoong-buhay ay pinagkaliitang bestida ng kapatid ko na ni-repair lang ng mudra ko (Thanks, Mom. Pati ikaw damay na rin). Yung long-sleeves polo, ginamit ko na sa choir. Awa ng Diyos medyo namayat ako kaya nagkasya!

Masaya at magulo ang photoshoot. Hindi na nagkakahiyaan dahil meron nang bonding ang lahat mula kay JV hanggang kay Iggy na nagsilbing photographer-director hanggang sa aming tatlo, lalo na kami ni chicken ... este ... Anz dahil madalas kaming nagkukulitan sa email.

Ipinagbawal tumawa dahil kailangan sinister ang dating dahil Mafia nga pero wala kaming ginawa kundi magtawanan.

Bandang tanghali, natapos ang photoshoot at dahil magkakasama na rin lang, napagkasunduang pag-aralan na ang collaboration song namin na Taking Chances. Oo, nanalo siya over World's Greatest. Sorry, outnumbered si Anz.

Awa ng Diyos, 3 PM na ako nakauwi. Halos idinikit ko lang ang likod ko sa kama, bangon ulit ng 5 PM dahil may pasok ng ng 9 PM.

Hay, simula pa lang ng kangaragan. Bukas daw, simula na rin ng rehearsals ng Idols '09 Production number, ayon kay Chie. Araw-araw mula 8 AM hanggang 12 NN.

Kaya pa? Bahala na!

Hinga muna tayo ng malalim at masdan ang ilan sa larawan ng mga feeling Mafia:

PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket

Heto naman ang final teaser:

Photobucket

The best ka, Iggy Boy! Salamat sa lahat ng mga tumulong. Jobee, salamat sa retouch!

Binalibag Ni Choleng ng 7:46 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com