<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, December 19, 2009

Kuwentong Idol: Band Rehearsal
Huwebes, 10:00 AM hanggang 2:00 PM ang unang rehearsal with Silk. Buti na lang pinayagan akong mag-leave dahil hindi ko kakayaning pumasok pa mula sa practice.

Umuwi muna si Chie mula duty samantalang sleep room naman kami ni Anz para mag-recharge at nagkita na lang sa lobby limang minuto bago ang call time. Saglit lang dumating na sina JV at Iggy at dahil sa Bagtican lang naman ang studio, nilakad na lang namin (may halong chikahan). Doon na sumunod si Chie.

Maling akala. Akala ko puro babae ang tutugtog sa amin dahil ani organizers eh all-female band daw ang Silk (kaya nga niyaya ko'ng sumama si Gab). 'Yun pala, sila yung frontliners pero yung back-up band, mga lalake rin. (buti na lang di sumama si Gab! ... ng dahil rin sa maling akala)

Bago simulan ang practice, pinagpalabunutan na kaming tatlo ni JV para malaman kung sino ang unang kakanta sa SMX at siya na ring magiging order ng rehearsal. Kamalas-malasang malas, ako na nga ang huling bumunot, ako pa ang Number 1. Drat!

Nauna nga akong sumalang. Hirap kumanta dahil bagong gising at overwhelmed pa ako sa galing ng banda pero go lang. Nasipra naman nila yung accompaniment ng Time and Tide kaso medyo nagtagal at nagpaulit-ulit sa lugar na nilagyan ko ng revision:

Photobucket

Hihinto ng pagtugtog sa X part para boses ko lang ang litaw sa "Time" tapos bagsakan sila sa "... and tide" -- 'yan ang request ko sa kanila na nakuha naman dahil matitinik ngang musikero.

Whew!

Sumunod si Chie sa makabagbag-damdaming My Love Will Show You Everything ni Jennifer Love Hewitt (kapalit ng Healing, umangal ang Chie kay Henry). Walang gaanong naging problema sa back-up, nagkainisan lang sila ng konti ni Jas (APS Idol 2008, beb ni Chie) dahil sa melisma part pero naayos din. Medyo nagtagal sa Pride ni Anz dahil U2 ang sinipra ng banda eh John Legend naman ang version nya. Dahil batikang musikero, ilang pakinig lang sa kanila ni Anz ng original version, nakuha rin. Huling inensayo ang Taking Chances, yung trio namin. Halatang kulang sa practice. Hindi pa kami kamado, nakalilingaw ang tugtog, medyo magulo. Linisin na lang sa susunod na rehearsal.

Sabado, December 19, mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM ang second and final practice pero dahil pamilyar na ang lahat sa mga piyesa, bandang 4:00 PM pa lang tapos na. Pabor dahil maaga akong nakabalik sa PS para mag-shower at magpalit ng damit para naman sa Christmas Party ng Command Center sa condo ni AVP Maan sa Sycamoure Skyrise sa Mandaluyong. Lagare, ano po? (Christmas Party rin ng Kuyog, di ako naka-attend ... hu hu hu)

Hay naku, kung hindi lang talaga kasama ako sa program, umuwi na lang ako pagkatapos ng rehearsal para makapagpahinga pero kakahiya namang mawala ako sa unang Christmas Party ko sa bago kong pamilya. Pinilit ko na lang magsaya at magpakasigla pero lowbatt na talaga ako kaya naman pagkakanta, umuwi na ako agad para sa big event bukas (syempre, nakakain pa rin ako at naka-shot ng 4 na cocktails ... sarap!)

Photobucket

WFM Family

OMG, bukas na pala yun. 'di ko pa napa-practice ang common song.

Nangkupo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com